Savanna pov..
Pinagmamasdan ko lang si ate Valerie habang nagsasalin nang wine sa baso nya, muntik pa ngang umapaw buti at napansin din nya kaagad. Pagka tapos ay inisang lagok lang nito ang laman. Pagka tapos ay nagsalin uli na kina awang na nang labi ko.. May problema ba sya?
"Hindi naman sa nagalit, sinabi ko lang na kakamatay lang nang anak namin tapos parang magpapaka saya lang kami na parang walang--"
"It's okay ate, ahm- sorry.." Putol ko naman sa sinasabi nito. About sa ticket ba? "Imbes na maka tulong ako.." Buntong hininga ko.. Mali nga yung ginawa ko, inaamin ko yun. Naintindihan ko na yung ibig nyang sabihin. Napa tango tango tuloy ako.. Marahan naman syang umusog sa tabi ko sabay hawak sa isang palad ko at tsaka pinisil.
"Na offend ba kita?" Turan pa nya na kaagad ko namang kina iling.. pagka tapos napa tawa nang mahina kaya binitawan na nito ang kamay ko.
"Alam kong mali ako sa bagay na yun ate.. I understand you.." Nginitian ko sya. Yung totoong ngiti, baka isipin na naman kasi nyang gusto ko silang magsaya imbes na mag luksa sa pagka wala nang anak nila ni kuya.. "Ahm- siguro ibigay ko nalang yung plane tickets sa friend ko!?" Suggestion ko pa na kina kunot noo nito. Kinuha ang wine glass nya tsaka tinungga uli ang laman. Mahilig pala ito sa wine.. Binibigay lang kasi sa akin yang mga wines dahil sa nag invest ako sa isang wine company. Para may pinupuntahan naman yung mga perang binibigay sa akin nang parents ko.
Nakapag graduate nga ako sa gusto kong kurso kaso ayaw naman akong magtrabaho nang parents ko.. Napapa buntong hininga nalang ako. Buti pa nga yung mga college friend ko may mga work na, ako heto tambay.. Sobrang bored sa buhay. Minsan pampa alis lang nang pagka bagot yung mga ka flings ko. Kagaya ni Bubbles, hindi ko din alam na pupunta sya ngayon dito sa condo ko, ni hindi nga sya nag message kaya wala akong inaasahang bibisita ngayon kundi si ate Valerie lang.. buti at pumayag itong umalis kaagad nang sinabi kong asawa nang kuya ko yung dumating.. Wala din akong maisip na ibang dahilan kong bakit mag aabalang puntahan ako ni ate dito kundi tungkol sa ticket lang. Pagka tapos wala din pala si kuya, gusto nya sigurong may makaka usap.
"Ikaw... Bakit hindi mo nalang gamitin?" Biglang wika ni ate Valerie na kina baling kong muli sa kanya..Napa tawa lang ako. Ilang beses na din kasi akong naka punta doon. Para kasi sana sa kanila ni kuya yun.. Ako naman ang nag salin nang wine sa aking baso, pansin kong halos maubos na pala namin yung laman nang bote.. kaya tumayo ako mula sa pagkaka upo ko sa may sofa at tumungong muli sa aking wire rock..
Pagka tapos kumuha nang parehong wine ay bumalik akong muli sa upuan. Pinatong ko ang bote sa table..
Nangingiti namang napa titig si ate Valerie sa akin.. hindi naman nakaka lasing yang wine na yan huwag lang masobrahan.
"Savanna.." Buntong hininga nyang turan. "Wala ka bang gagawin bukas at balak mo yatang makipag puyatan sa akin.." Nag kibit balikat lang ako tsaka napa ngiti sa kanya.
"Palagi naman akong walang ginagawa ate, ayaw nila akong magtrabaho so, ganito lang ang buhay ko.. Cheers!!" Turan ko sabay kampay nang aking baso. At sinaid ko ang laman.
"Malamang sinasanay kana nang parents mo sa ganyang buhay. Dahil kapag dumating yung araw na maitatali kana hindi kana mahihirapang mag adjust.." Litanya nito. "Diba nga ang paniwala nang angkan natin, ang lalaki ang syang kakayod para sa pamilya at ang katulad nating mga babae sa bahay lang alagaan ang asawa ang mga magiging anak---" Napa hugot ito nang malalim na pag hinga.. tila kusang huminto sa kanyang sinasabi.. "Basta ganun yun!" Dugtong nalang nya.. Pasimple pa syang napa buga nang hangin..

BINABASA MO ANG
"ALL ABOUT HER" (GXG)
RomansaValerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang isang perfect na pamilya. katulad sa parents nya at sa parents nang kanyang napangasawa. Kaya lang kah...