Chapter 48

4K 155 11
                                        

Savanna pov..

                  Naka tatlong dial na ako, pero hindi parin sinasagot ni Valerie ang tawag ko. Ring lang nang ring ang cellphone nito. Bago na yung  kanyang phone pati numero, dahil naiwan sa resort yung dati.  Binato ko kasi at nasira na din lang.  Busy kaya siya- nang ganito kaaga!?  Hugot ko nang malalim na paghinga.


                 Nine nang umaga at naka gayak na ako, dahil plano kong lumabas ngayong araw.  Kaya ko sya tinatawagan, para sana makapag paalam. Hindi naman kasi sya nag-e- stay dito, ibig kong sabihin hindi pa kami nagsasama.


              Hindi nga sya natulog dito kagabi dahil nagsabi itongng maaga silang aalis para dadalaw  kay Xavier kahapon. Hindi ko naman sya binabawalan, pero hindi ko parin maiwasang makaramdam nang  selos dahil halos inaraw araw na yata ang pagpunta nang Pampanga.
Hayss! Napa buga ako nang hangin. Ni hindi ko magawang magtanong o mag usisa man lang. Ayoko lang kasing pagsimulan nang away.


                Muli akong napa hinga nang malalim at nagpasyang lumabas na nang kuwarto. Isang linggo na mula nang naka uwi ako dito sa condo galing nang hospital. Awa nang Diyos, unti unti na ring gumagaling ang sugat ko. Tatlong beses na rin akong dinalaw ni Dad--  at isang beses na nagpang-abot sila ni Valerie.


               Sobrang napaka awkward nang naging sitwasyon naming tatlo nung time na yun. Pero nag kibit  balikat lang si Dad sa kanyang naabutan, marahil naiintindihan na nito kong ano mang nangyayari.  Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang namamagitan sa aming dalawa ni Valerie. At tsaka hindi naman sya nag tagal, wala pa  yatang  isang  orass ay  umalis na din ito.
Gusto lang niyang makita ang kalagayan ko. Kita naman nito kong papaano ako alagaan at  pagsilbihan ni Vale..

                 Hawak ko  na ang susi nang sasakyan nang muling napa tingin sa screen nang aking cellphone. Wala man lang kahit anong message. Kung  e-message ko nalang siguro, kailangan ko na kasing  umalis baka mainip yung  taong aking kikitain. Baka mamaya may importante din itong lakad.


          Magtatype na sana ako nang mensahe nang marinig kong may nag do-doorbell sa labas.  Valerie... Iyon  kaagad ang  pumasok  sa  isip ko  at awtomatikong napa lundag ang puso ko.Hindi ko din napigilang  mapa ngiti  nang husto na kina kagat  nang  pang ibaba kong labi pagka tapos.  Excited na akong makita siya kaya basta nalang sinilid ang phone sa aking dalang pouch bag.

               Nagmamadali  ko nang tinungo ang  pinto pati pagbukas ay na-atat na ako. Kahapon nang umaga pa kami huling nagkita at labis labis na ang pagka miss ko sa kanya--
"Hi!!"


              Napalitan nang ngiwi at nakaramdaman nang pagka dismaya nang hindi si Valerie ang napag buksan ko nang pintuan. Bagkus-- "Nakita mo lang ako, sumama na kaagad yang mukha mo." Parang batang maktol na turan ni Spencer na prenteng  naka tayo  ngayon  sa aking harapan. Kailan pa sya naka uwi nang bansa at papaano niya nalamang andirito ako sa condo.


          Kunsabagay, ganun naman talaga siya pasulpot sulpot. "What brought you here?" May pagtataka ko namang tanong na kina buga naman nito nang hangin.


               "Hindi mo ba ako namiss!? Baka naman pwede mo akong papasukin muna sa loob para makapag kwentuhan naman tayo!" Nangingiti wika nito na kina halukipkip at kina ikot nang aking eyeballs. Bukod sa ayoko sa ideang iyon, may pupuntahan ako at nagmamadali na talaga ako.

            "May pupuntahan ako.." Walang gana kong tugon. Sabay hugot nang malalim na paghinga.. Obvious naman siguro dahil bihis na bihis ako. Naka plaster parin ang ngiti sa kanyang labi sabay kamot nang kilay. Inaamin ko namang maganda si Spencer at iyon ang unang nakuha nang atensyon ko sa kanya

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon