Valerie pov..
"Sav..." Sobrang kabog nang dibdib ko nang sandaling bumaling ako sa kanya. At nanlamig ang buo kong katawan. Nasa labas lang nang sasakyan si Xavier at may kasamang dalawang pulis.
"Set up ito malamang..." Napa buga ito nang hangin, sabay hilot nang kanyang sentido..Kaya lalo kong kina bahala. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito. Napa pitlag pa ako nang muling kinatok ang bintana nang sasakyan.
Grabe yung kabang nararamdaman ko, kaya nagpapanic na din ang kalooban ko lang husto. Samantalang si Savanna, hindi ko man lang nakitaan nang konteng pangamba--
"Let's go.." Wika pa nya at akmang bubuksan ang pintuan. Pero maagap ko syang napigilan. Nahihibang na ba sya, hindi namin alam kong anong tumatakbo sa utak ni Xavier nang sandaling ito. Hindi namin alam kung anong mangyayari pag once na binuksan nito ang pinto--
"Andito na din lang tayo, kaya harapin na natin sila.." Seryoso nitong wika. Sav... Pigil nang utak ko. "Kakayanin natin ang lahat diba! Basta magkasama tayong dalawa." Pampalakas loob nitong turan. Pagka tapos ay ikinulong nito ang magkabila kong pisngi nang dalawang palad.
Tumitig sya sa aking mga mata, na kina tango ko naman nang sunod sunod bilang tugon. "I love you Valerie.." Bigkas nito. Tutugon pa sana ako nang bigla syang dumukwang at siniil nang halik ang aking labi. Napa ungol nalang ako. Pero saglit lang at inilayo na nito ang kanyang mukha sa akin.
Tsaka nito pinag dikit ang aming noo. Tama si Savanna, ito na ang tamang oras para harapin namin sila. Total ako naman ang nagdesisyon sa bagay na ito.
Mahigpit nyang hinawakan ang isang palad ko bago tuluyang binuksan ang pintuan nang sasakyan.
Lord kayo na po ang bahala sa amin ni Sav. Nagtitiwala po ako sa inyo. Taimtim kong dasal bago ako matapang na humarap kay Xavier.Kita ko ang sakit nang magtama ang aming mga mata, pero nababanaag doon na may nararamdaman parin sya para sa akin--
"Huliin niyo na ang babaeng iyan!!" Biglang baling nito kay Savanna sabay duro na kina singhap at kina laki nang dalawang mata ko. A-ano ibig sabihin nito! Naramdaman ko ang paghigpit lalo nang hawak ni Savanna sa palad ko.
"May dala kaming arrest warrant kaya huwag mo nang tangkaing tumakas pa. Kung ayaw mong madagdagan ang kaso mo.. " Nakangisi pang turan ni Xavier. N-no... Iling ko at kusang naglandas ang luha sa aking mga mata.
Demonyo ka talaga Xavier, hayop ka!! Tiim bagang kong bigkas sa aking isipin, sobrang nanggigigil ako sa kanya.
"Savanna.." Bigkas ko nang maramdaman kong marahan nang lumuluwag ang pagkaka hawak nito sa kamay ko. Dapat pala tumakas nalang kami--
"Hindi niyo na ako kailangang pwersahin, kusa akong sasama sa inyo.." Matapang na sagot nito na kina awang nang labi ko at tuluyan na nyang binitawan ang palad ko.. Sav- huwag mong gawin to! Please--
"Savanna no!!" Pigil ko. Pero parang wala itong naririnig.. "Please don't do this--" Mariin kong pinikit ang aking mga mata nang marahan na syang humakbang palapit sa kinaroroonan nang dalawang pulis. Bakit ba,ayaw nya akong pakinggan.
"Good decision bunso.." Napa ngisi namang wika ni Xavier nang sandaling nahawakan na ang magkabilang braso ni Savanna nang dalawang lapastangang pulis... Napaka sama mo talaga Xavier!!Nag-issue nang warrant ni hindi man lang inaalam kong anong totoo.
BINABASA MO ANG
"ALL ABOUT HER" (GXG)
RomanceValerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang isang perfect na pamilya. katulad sa parents nya at sa parents nang kanyang napangasawa. Kaya lang kah...