Chapter 2

6K 197 11
                                    

Savanna pov..

               Tahimik kaming tatlo na magkasalo nang tanghalian, tunog lang nang kubyertos ang naririnig. Pasimple akong nagbaling kay ate Valerie, halatang malayo ang iniisip at halos hindi malunok ang kanyang kinakain.
Isang malakas na pag tunog nang cellphone ang bumasag sa naka bibinging katahimikan..

                     "Excuse me.." Turan nang kuya ko sabay tayo at umalis muna sandali sa hapag. Mukhang tuluyan na ding nawalan nang gana kumain si ate Valerie at uminum na ito nang tubig.. napapa hugot nalang ako nang malalim na pag hinga. "Ahm- Love! kailangan kong umalis may emergency meeting, si Dad yung tumawag.." Wika nang kuya ko nang bumalik na ito at hinalikan nang mariin sa pisngi ang asawa.. Pagka tapos ay nagbaling ito sa akin.

            "Sav... Dito ka muna ha! Samahan mo muna ang ate mo, huwag kang aalis hanggat hindi ako bumabalik.." Seryoso nyang bilin na kina tango ko nalang. Naiintindihan ko naman yung sitwasyon nila ngayon total wala naman akong gagawin. Matutulog lang din naman sana ako ngayong hapon.. nagpaalam na ito at tuluyan nang umalis ni hindi man lang nakapag palit nang damit.
Kapag si Dad kasi ang nagpa tawag nang meeting, hindi uso sa kanya ang late..

               Pag alis ni kuya ay namayani na muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni ate Valerie . Dati ang saya saya nang bahay na ito noong meron pa si Aaron. Maririnig ang mga malulutong na halakhak at walang kapagurang laro sa tuwing dinadalaw ko ang aking pamangkin.
"Baka may lakad ka din, huwag mo nang pansinin ang sinabi nang kuya mo, kaya ko namang mag isa dito at andyan naman si Marie." Biglang wika ni ate sabay tayo nito mula sa pagkaka upo.

             Si Marie yung kinuha ni Mommy na makaka sama nila dito sa bahay kahit ayaw sana ni ate Valerie. Kaya naman daw nya lahat nang mga gawaing bahay at pag aasikaso kay Aaron.. mula kasi nang magpa kasal sila ni kuya Xavier hindi na sya pinayagan na magtrabahong muli biglang nurse sa isang hospital.
May paniniwala kasi ang family namin na ang husband ang provider at ang wife ay nasa bahay lang para aasikasuhin ang asawa at mga supling. Kaya ganun din si Mommy, nasa bahay lang sya..

          Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito kanina at tinulungan ko nalang silang nagligpit nang pinagkainan namin. Hanggang sa sabay kaming napa hawak sa isang plato at nag hilahan pa.."Ako na.." Ma awtoridad nitong wika kaya binitawan ko nalang. Nagtuloy na ako sa may sink para mag hugas nang kamay.. Masayahin naman si ate Valerie ayon sa pagkaka kilala ko sa kanya, pero ngayon parang ibang iba sya..

              "Savanna..." Seryoso niyang bigkas sa pangalan ko na kina pitlag ko. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ito. "Huwag ka sanang magpapanggap na mabait ka sa akin kapag kaharap ako...dahil alam ko naman at ramdam ko na ako ang sinisisi ninyong lahat sa pagka wala nang anak ko.." What? Ako! Nagpapanggap!? napa tawa tuloy ako nang pagak sa harapan nito. Huwag nya akong ihalintulad sa kanila, hindi makitid ang pag iisip ko. Walang may gusto sa mga mangyari!

               "Ibahin mo ako sa kanila.." Seryoso akong tumitig sa kanyang mga mata..''Ate." Mataas ang respeto ko sa kanya dahil asawa sya nang kuya ko. Siya ang unang nag iwas nang tingin.. dahil nakita ko ang pagbabago nang ekspresyon sa kanyang mukha. So, pati rin kaya si kuya isinisisi sa kanya yung nangyari kay Aaron!?

               Tumalikod na sya sa harapan ko at naglakad palayo, agad naman akong sumunod hanggang sa makarating ito sa bukana nang hagdanan.napa hinto sya at napa baling nang tingin sa akin. "Don't tell me, susundan mo ako hanggang sa kuwarto namin nang kuya mo?" Taas kilay niyang wika na kina ngisi ko naman.


           "Bakit naman hindi ate, masiguro ko lang na okay ka.." Tugon ko naman.. "Look ate Val.. ibahin mo ako sa kanila at kong nag iisip man sila nang ganun sayo, maaring hindi lang nila tanggap yung mga nangyari.. pero lilipas din ang lahat.."

         "Sa tingin mo ba ganun kadali yun para sa kanila! Lalo na ang--." Nag iwas muli ito nang tingin. "Ang parents ninyo..." Kita ko kong paano tumulo ang butil nang luha sa kanyang mga mata.. Kahit anong gawin nitong magtago ng sakit na kanyang nararamdaman, siya din lang ang mahihirapan. Humakbang ako at tuluyang naka lapit sa kinaroroonan nito..

          Kinabig ko ito pagka tapos ay niyakap nang mahigpit. Alam kong ito ang kailangan nya ngayon. Doon ko na narinig ang malakas niyang paghagulgol kaya lalo kong hinigpitan ang pag yakap ko sa kanya habang marahan kong hinahagod ang kanyang likod..
"Walang gusto sa mga nangyari ate.." Sincere ko pang turan.. hanggang sa maramdaman kong gumanti na ito sa yakap ko..

               Hinayaan ko lang syang umiyak nang umiyak kong ito ang ikakagaan nang kanyang pakiramdam.
"I miss him so much.." Hikbi nito. "Aaron I miss you so much anak. I'm so sorry, sana ako nalang yung nawala baka matatanggap pa nila.." Todo naman ang pag alo ko sa kanya, hanggang sa inakay ko na ito papanik nang hagdanan hanggang sa makarating kami sa kuwarto nila nang aking kuya.

           Iginiya ko sya pahiga sa ibabaw nang kama, habang patuloy parin ang kanyang pag hikbi.
"Iiyak mo lang yan ate, para sa ikakagaan nang iyong pakiramdam.."
Umupo ako sa gilid nang kama at masuyo kong hinaplos ang kanyang buhok.

             "Savanna..." Paanas nitong bigkas sa pangalan ko hanggang sa tuluyan na syang iginupo nang antok..
Napa hugot naman ako nang malalim na pahinga habang pinapahid ko ang natitirang luha sa kanyang mga pisngi gamit ang aking daliri. Pagka tapos ay inayos ko ang pagkaka kumot nito.. Ilang segundo ko ding tinitigan ang napaka amo nitong mukha. Napa hugot ako nang malalim na paghinga   bago ako nagpasyang  lumipat sa may couch dito din sa loob nang nang nakaramdam din ako nang antok.

          Sabagay pare-pareho lang kasi kaming wala pang maayos na tulog kaya hindi ko namalayang iginupo na din pala ako nang antok..
Hindi ko namalayan kong ilang oras akong naka tulog nang maramdaman kong may marahang tumatapik sa balikat ko.

          Marahan naman akong nag mulat nang mga mata. "Kuya!" Bigkas ko nang makita kong naka tunghay ito sa harapan ko. "Kakarating mo lang ba?" Tanong ko pa at marahan na akong bumangon mula sa pagkaka higa.

         "Kanina pa.. mga two hours na!" Tugon naman nito na kina kunot nang noo ko. Ang bilis namang natapos yung meeting nya.. pasimple naman akong nagbaling sa may kama pero wala na si ate Valerie doon.  "Pinapa gising kana nang ate mo kasi malapit na ang hapunan.. dito kana din mag dinner.." Dagdag pa niyang turan na kina awang naman nang labi ko. Dinner time na pala? Ganun ako katagal na naka tulog at hindi man lang ako ginising ni ate Valerie!?

           "Hindi- hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.." Turan ko naman sabay inat..

                "Oo nga eh! Sabi nga nang ate Val mo baka napagod ka daw nang husto.. Salamat sa hindi pag iwan sa kanya, mukhang sumigla na sya at naghahanda sya nang hapunan natin.." Napa ngiti naman ako. Napapa ngiti ako dahil kahit papaano gumaan na yung pakiramdam nito. Maya maya pa ay lumabas na si kuya nang kuwarto at sinabing susunod nalang daw ako sa ibaba. 

             Tumungo muna ako sa bathroom dito sa loob nang kanilang kuwarto para mag hilamos at mag mumog.. Nakaka miss din talaga si Aaron, ano kaya kong e-suggest kong mag bakasyon muna silang mag asawa para kahit papaano, malibang libang muna sila para makalimutan sa masasakit nang nangyari..

            Sinipat ko muna ang itsura ko sa salamin bago nagpasyang lumabas nang banyo. Nagulat pa ako nang makasalubong ko si ate Valerie sa may pintuan, naka suot lang ito nang puting robe at mukhang maliligo. Agad naman akong nag iwas nang tingin,baka kasi kong ano pang isipin nito sa akin.

          "Ahm- akala ko nasa ibaba kana, hinahanap kasi kita kanina.." Wika naman nito na kina baling kong muli sa kanya.

               "Naki gamit nalang nang banyo ate.." Tipid ko namang tugon. Lalabas na sana ako at humakbang ako pakaliwa nang doon din ito gumawi. Kaya gumawi ako pakanan at bigla din syang kumanan.. sabay tuloy kaming napa tawa nang mahina. "Kakaliwa na ako.." kakamot kamot ako nang kilay, na kina tango naman nito. Buti at nagka sundo na kami kaya tuluyan na akong naka labas nang banyo at sya naman ang pumasok sa loob.

          Tuloy tuloy na ako sa pag hakbang hanggang sa may pinto-- "Savanna..." Napa hinto ako nang bigla nitong tawagin ang pangalan ko. "Huwag ka munang umalis at-- sabay sabay na tayong maghapunan, thank you pala kanina, sobrang na- appreciate ko yun!" Sincere nyang wika. Hindi na ako lumingon, napa ngiti nalang ako at nag tuloy na akong lumabas nang kuwarto..

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon