Chapter 10

5.1K 189 41
                                    

Savanna pov..

               Wala kaming imikan ni ate Valerie habang lulan kami nang aking sasakyan. Panaka naka ko naman itong pasimpleng sinusulyapan habang nagmamaneho ako at pansin kong malalim ang kanyang iniisip. Nag away ba sila nang kuya ko? Sa anong dahilan? 

             Nang may madaanan kaming drive tru ay marahan ko munang ginilid ang sasakyan.  Dun lang biglang nagbaling akin si ate Valerie.
Alam ko kasing hindi pa ito kumakain, huling kain pa nya yung lunch kahapon?

             "Bakit tayo huminto?" Basag nito sa katahimikan.

              "Kumain muna tayo ate.. Ahm- nagutom kasi ako." Pagdadahilan ko nalang sabay kalas nang aking seatbelt. Akmang lalabas na sana ako para pagbuksan sya nang pinto nang pinigil nito ang isang braso ko. Dahilan para mapa baling ako sa kanya.

            "Hindi ka ba mag papalit nang damit at ganyan kang lalabas!" Seryoso nyang turan. Oo nga pala naka dress parin ako nang manipis at kitang kita ang suot kong swimsuit. Napa kibit balikat lang ako.


                "Hayaan mo n ate, hanggang tingin lang naman sila." Turan ko nalang na kina hugot naman nito nang malalim na pag hinga tsaka dahan dahan binitawan ang aking braso.  Tuluyan na akong umibis nang sasakyan at mukhang nagulat pa sya nang pagbuksan ko ito nang pinto. Nginitian ko lang sya tsaka ito marahang lumabas nang sasakyan.


              Magka agapay na kaming naglakad patungo sa loob nang naturang fast-food. Pagka pasok palang namin ay agaw atensyon na kami sa mga tao sa loob lalo na sa akin. Pero kunyari hindi ko nalang sila pinagtuunan nang pansin.
"Isang order nang  brewed coffee large at isang pancakes. " Rinig kong order ni ate Val. Mukhang gutom na nga sya kaya napapa ngiti nalang ako.

            "Sav.. ikaw anong gusto mo." Baling nito na akin. Bigla ko tuloy iniba ang ekspresyon nang aking mukha, baka kasi mahuli ako nitong napapangiti mag-isa.

             "Ahm- ganun na din sa inorder mo ate." Tugon ko naman. "Masarap talagang mag kape pag ganitong oras.." Dugtong ko pang turan. Napa baling naman sa akin ang crew sa harapan namin at napa kagat labi bigla. Mukhang naintindihan nito yung ibig kong sabihin na kape..
"Diba Miss Jane.." Banggit ko pa sa pangalan nito. Na nabasa ko sa kanyang name plate.

            Napa kunot noo namang nagbaling si ate Valerie sa akin.. "Kumuha ka na nang table natin at ako na ang bahala sa orders." Cold pa nyang utos sa akin. Hindi nalang ako kumibo at sumunod nalang, pero bago ako tuluyang umalis pasimple pa akong kumindat kay Jane. Sabay ngisi, kita ko pa kong paano ito pinamulaan nang pisngi.

             Nangingiti nalang ako mag isa nang nakahanap na ako nang pangalawahang upuan. Ganun lang  kasimpleng magpa cute sa isang babae at mabibihag ko na kaagad. Pero bigla din aking napa hugot nang malalim na pag hinga at napa isip na kelan kaya ako mag seseryoso sa buhay ko. Kelan kaya yun?


              Kapag natagpuan ko na yung taong para sa akin--  Napalingon ako bigla sa bandang kaliwa at saktong humakbang na si ate Val patungo sa aking direksyon. May dala itong tray at napa kurap kurap ang aking mga mata dahil napaka bagal nang bawat kilos nya. At biglang nag blurred lahat nang nasa paligid namin,na para bang sya lang ang nakikita ko nang sandaling ito.

             "Savanna.. Savanna.." Ha? "Kumain na tayo, yang bibig mo pasukan na nang langaw..." Hindi ko tuloy namalayan ang paglapit nito at naka ayos na rin sa ibabaw nang lamesa ang order naming pagkain. Pasimple ko nalang kinuha ang brewed coffee sa harapan ko--

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon