Chapter 31

3.9K 188 37
                                    

Savanna pov..

               "Valerie.."  Naka ramdam ako nang paninikip sa dibdib nang sandaling nagtama ang mga mata naming dalawa. Kitang kita ko ang nakatagong kalungkutan mula doon nang biglang magsalita ang magaling kong kuya.

                 "Bunso??" Tawag nito. Na biglang kina init nang aking ulo. Hindi lang yun, pakiramdam ko umakyat lahat nang dugo ko.

                Wala akong kuya na katulad nya-- napa tiim bagang at napakuyom nang husto ang magkabila kong kamao.. Paano nya nagawa ang bagay na yun!! Tapos ngayon, papakitaan nya ako  na parang walang nangyayari makalipas ang isang taon.

                 Ang isa sanang magiliw na pag salubong at pagbati namin sa isa't isa, na madalas naming ginagawa tuwing matagal kaming hindi nagkikita.. Hindi inasahan nang lahat na kamao ko ang sasalubong na naka ngiting mukha nang aking kapatid.

                   Kitang kita nang dalawang mata ko kong paano sya bumulagta sa sahig.. "Oh my goodness!!" Rinig ko ang pag tili nang Mommy ko nang sandaling ito. Pero wala na akong paki alam, ang nasa isip ko lang ngayon-- Makabawi man lang kay Vale' sa ginawa sa kanya nang aking kuya.

                  "Xavier.." Nagpapanic na bigkas nang Mommy at mabilis nya itong dinaluhan para alalayan na muling maka tayo. "Savanna!!" Nanunuya ang mga mata nitong nagbaling sa akin pagka tapos. Na kina lunok ko naman nang husto.

            Alam kong hindi parin naalis ang galit ni Mommy sa pagpapa saway ko sa pamilyang ito. Pagka tapos heto na naman.. "Anong-- bakit mo ginawa yun sa kuya mo!!"

           "Mom- Mommy-- it's okay, deserve ko ito!" Sabat bigla nang aking kuya. Habang napapa hawak sa kanyang nasaktan na panga. "I'm so sorry Savanna sa nagawa ko kay ate Valerie mo--"

                 
                "No!! Hindi kayo dapat nagbabangayan na magkapatid dahil lang dyan.." Saway naman kaagad ni Mommy. What- teka, hindi ko maintindihan ang ibig nitong ipakahulugan. Naguguluhan tuloy ako.

                Pasimple akong nagbaling kay Valerie na kina sikip na naman nang paghinga ko. Hilam kasi nang luha ang kanyang mga mata nang mabilis itong nag iwas nang tingin.

                "Savanna..." Muli namang nagsalita ang aking kuya na kina baling kong muli sa kanya. "Alam ko kung- kung gaano mo kamahal ang pamilyang ito lalong lalo na ang ate Valerie mo.." Hugot nito nang malalim na pahinga.. "Minsan nga, hindi ko na maiwasang magdamdam kasi- ramdam kong mas mahal mo pa sya kesa--"

                "Stop it Xavier!!' Saway naman ni Vale bigla na kina singhap ko nang sandaling ito. Oh, Valerie..  akala ko sa isang taon kong pag layo, pag iwas sa sitwasyon. Makakalimutan na kita, makakalimutan ko na ang lahat pero- hanggang akala lang pala. Dahil nang sandaling nasilayan muli kita, kusang nagbalik ang lahat. Ang lahat at pakiramdam ko mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko--

                "Ikaw ang tumigil dyan Valerie.." Kontra ni Mommy na kina laki nang dalawang mata ko na nagbaling kay Mommy na naka hawak sa braso nang kuya ko.  "Tanggapin mo ang katotohanan na ikaw ang puno't dulo nang lahat. Kung bakit nagkaka gulo ang pamilyang ito ngayon!"

               Mom- that's too much... Singhap kong muli sabay nang mariing pag pikit nang aking mga mata.

              "Tama na yan!! Nasa harapan tayo nang pagkain nagkaka ganyan kayo.." Dad-- Alam kong bihira lang magsalita si Daddy, pero pag once na napuno na.. Baka lalo lang magkaka gulo.. "Kaya nga andirito tayo lahat diba para maayos ang lahat nang problema. E, hindi pa man tayo nag sisimula ganyan na ang inasta ninyo.  Para kayong walang pinag-aralan.."

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon