Chapter 23

4.8K 176 48
                                    

Valerie pov..

                     Bantay sarado ako sa oras hindi para sa mga niluluto kong naka nalang sa oven, kundi ang pagdating ni Savanna dito sa bahay. May usapan kami, pero hanggang ngayon wala pa sya. Pa hapon na-- ganun ba sila katagal kailangang mag usap nang Spencer na yun.

               "Ate Valerie." Titirisin ko talaga ang babaeng iyon, once na makita ko sya. Hindi lang yun, didikdikin ko sya nang pinong pino huwag lang mag krus ang landas namin nang Spencer-- "Ate Valerie!!" Napa kurap kurap akong nagbaling kay Marie. Habang ito ay naka ngiwi napatitig sa akin. Pagka tapos ay napa tingin sa deni-decorate kong mga cup-cake sa harapan ko.

                   "A-ate, durog durog na po yung-" Ininguso pa niya ang mga iyon na kina laki nang dalawang mata ko.  OMG!! Yung 24 pieces na double chocolate cupcakes halos kalahati na yung nasira ko.. "Ate okay ka lang ba?" May pag aalalang turan Marie. Pagka tapos ay nagmamadaling tinanggal sa harapan ko ang mga buo pang cupcakes. "Baka mamaya pati itong mga ito madamay pa, magagahol tayo sa oras." Litanya pa nito.

            Nanggigigil akong nag hubad nang disposable gloves, pagka tapos ay mariin akong napa hilot sa aking sentido. Sabay hugot ko nang malalim na paghinga.. God! Ano ba itong nangyayari sa akin.. puro's Savanna nalang ang pumapasok sa utak ko. Baka kong ano nang ginagawa nila nang kanyang ex-girlfriend bakit hanggang ngayon wala pa sya.

                Kung mag uusap lang sila, ilang oras na yung naka lipas. Ano bang klaseng pag uusap yun at hindi na matapos tapos..
"Ate.. mas mainam siguro kong magpahinga muna kayo, kasi halos isang linggo na kayong walang maayos na pahinga eh. Magagalit na po niyan si kuya Xavier!" May pag aalala paring himig ni Marie.

               Umalis si Savanna.. pumunta syang China at sa pag alis nito parang  nadala nya yata yung puso ko pati kaluluwa ko. Kaya ang ginawa ko  sinubsob ko ang sarili ko sa negosyo kong ito, para maiwasan kong isipin siya. Pinapagod ko nang husto ang sarili ko para pag gabi maka tulog ako kaagad. Kaya lang walang epekto ang lahat nang yun.

                 Halos gabi gabing dilat ang aking mga mata, kaya kadalasan madaling araw palang bumabangon na ako. Inaabala ko na uli ang sarili ko dito sa baking room. Nagtataka na nga ang mga kasama ko sa bahay sa mga kinikilos ko. Sinabihan na ako ni Xavier na baka magkasakit na ako sa ginagawa ko, parang nagsisisi tuloy daw sya na ang offer pa sya akin nang ganitong negosyo.

             Kung alam lang nito- kong alam lang nya ang dahilan kong bakit ako nagkaka ganito.. Pinigilan ko naman kaya lang kasi- habang pinigilan ko ang sarili ko mas lalo lang nati- trigger yung nararamdaman ko para sa kanya. Gosh! Mahal na kita Savanna.. hindi lang yun-- mas mahal pa kesa sa pagmamahal na nararamdaman ko para sa asawa ko..

                   "Ate... Sabi ko kasi magpahinga ka na muna.. tignan mo umiiyak ka na naman.." Turan uli ni Marie. Pati pag luha ko hindi ko na din mamamalayan, lalo na kapag sobrang namimiss ko sya.. kaya nang nalaman kong naka balik na sya nang bansa, hindi na ako naka tiis. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at gustong gusto ko na syang makita.

                 Hindi ko alam kong anong sitwasyon namin ngayon, pero isa lang ang sigurado ako-- pareho kami nang nararamdaman..

                   "Hi Marie!" Awtomatiko ang pagbilis nang tibok nang puso ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Hindi lang basta pamilyar kundi naka tatak na sa isip ko ang boses na iyon. Pero natatakot akong lumingon, natatakot ako sa sarili ko na baka hindi ko mapigilan ang aking emosyon kapag humarap ako. Kapag  mapa titig na ako sa kanyang mga mata.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon