Chapter 43

3.6K 161 25
                                        

Savanna pov..

                Hindi na ako nagtaka nang huminto ang sinasakyan naming patrol car sa tapat nang malaking bahay.   Kaya nga malakas ang loob kong kusang  sumama sa mga hinayupak na ito, dahil tiyak kong hindi din lang makakapayag ang parents kong matutulog ako nang kulungan. Pananakot lang yun nang magaling kong kapatid!

            Kaya lang, kailangan ko paring ihanda ang sarili ko sa posibleng mangyari. Hindi ko alam kong anong pambabaliktad ang sinabi o sasabihin nang Xavier na yun sa mga nagisnan kong magulang.. Alam kong hindi yun masasabi nang katotohanan,dahil hanggang ngayon hindi parin nya tanggap na hindi na sya mahal ni Valerie.

              At sa pagkakataong ito wala na akong ibang pagkatiwalaan kundi sarili ko lang at ang babaeng pinakamamahal ko.

           "Tatandaan ko ang mga pagmumukha ninyo!" Seryoso kong banta sa dalawang pulis na kumuyog sa akin pagka baba ko palang nang sasakyan. Matalim ang tinging pinukol ko sa kanilang dalawa.

            "P-pasensya na po ma'am, napag utusan lang!" Nahihiya namang paliwanag nung isa. Alam ko na yun- binayaran sila nang magaling kong kapatid.. Halos sabay pa silang napakamot nang batok.  Mga hinayupak kayo ha! Hindi pa ako tapos sa inyo.Banta ko pang muli sa isip ko sa sobrang inis ko lalo na sa Xavier na yun. Akala nila, hindi ko alam na fake din yung dala dala nilang papeles, na in-issue sa aking arrest warrant--

              "Savanna!!" Biglang may tumawag nang malakas  sa pangalan ko.   M-mommy-- Awtomatiko akong napa lingon sa pinanggalingan nang boses. Pagka tapos,kumabog nang husto ang dibdib ko dahil kita ko sa mukha nya ang galit- at dahil iyon sa akin. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang sandaling ito.

          Pinagmasdan ko nalang nang mabibigat ang hakbang nitong lumapit sa akin. Tsaka ko napansin na nakasunod pala si Dad sa likod nito. Na parang- cool lang at walang pakialam sa nangyayari sa paligid nito.

               Narinig ko nalang pag harurot  nang sasakyang nagdala sa akin dito. Kahit anong mangyari- papanindigan ko na to' haharapin ko  at ipaglalaban ko kong anumang namamagitan sa aming dalawa ni Valerie. Kung anong nararamdaman ko para sa kanya.  Bahala na--


                "Isa kang malaking kahihiyan sa pamilyang ito!" Turan nito sabay duro sa mukha ko.. Pagka lapit na pagka lapit palang niya. Alam ko nang ganito ang magiging bungad nya-

               Ouch!!  Ang hindi ko inasahan, ay ang  pagdapo nang palad ito sa kaliwang pisngi ko. Sa sobrang lakas, napa biling nalang ang aking mukha at naramdaman ko ang hapdi sa aking balat. Gusto kong maiyak sa sakit, pero tinibayan ko ang aking loob. Kaya naman, napa tiim bagang akong muling hinarap ang mukha ko sa kanya.

             "Mag hunos dili ka nga, bakit mo sinaktan ang bata! Bakit hindi mo muna hinintay na magpaliwanag ang anak mo." Awat naman ni Dad dito.

               Hindi ko parin masasabing kakampihan ako ni Dad. Alam ko namang mali ang ginawa ko, pero hindi ko yun kailanman ikahihingi nang tawad. Mahal ko si Valerie at ipaglalaban ko ang nararamdaman ko-

          ''Anak!?" May panunumbat ang himig ni Mommy nang muli itong nagwika. "Wala akong pinalaking anak na suwail at magiging kahihiyan sa pamilyang ito pagdating nang araw.." Naramdaman ko namang may kumurot sa puso ko nang sandaling ito.

                Maagap syang nahawakan ni Dad nang akmang susugurin na naman sana nito ako.

           Alam kong mas kakampihan nya si Xavier dahil totoong anak nya ito.. Ever since naman, sa tanda na nang lalaking yun- hindi parin sya marunong tumayo sa sariling mga paa. Palagi nalang itong naka sandal kay Mommy. Puro nalang si Mommy!Si Mommy ang  nagdedesisyon  sa buhay nya.


"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon