Chapter 17

4.8K 174 10
                                    

Valerie pov..

            "Savanna.. ano bang ginagawa mo!" Natatawa kong wika, habang panay ilag ko sa camera nang phone nito.

              "Kinukunan ko kayo nang pictures, para at least makikita nila sa page na ikaw mismo ang nag be-bake nang mga cakes mo--"

            "Ako Savanna, dali kuhanan mo ako.." Agaw atensyon naman ni Marie at puro pacute nito sa camera na kina iling ko naman. Ni wala nga akong kaayos ayos sa sarili at isa pa kagagaling ko lang sa pag iyak. Kaya napa hugot nalang ako nang malalim na paghinga.

              "Smile!" Rinig ko pang turan ni Savanna. Na bigla ko namang kina baling sa kanya, yan tuloy na kuhanan ako nang magandang anggulo at naka harap mismo yung mukha ko. Akala ko kasi si Marie yung sinabihan nya. "Ang galing ko talaga!" Tuwang tuwa pa nyang wika na kina iling ko uli. Hay naku! Ang daming alam na kalokohan.

              Tumalikod na ito at muling hinarap ang laptop. Habang ako naman ay isinalang ko na ang ginawa kong cake sa oven. Mabilis lang, kasi yung maliit na size lang muna ang ginawa ko para sa sample.. naisipan ko na din mag bake nang cupcakes, yung red velvet. Habang si Marie ay tinuro ko yung pag gawa nang cookies. Madali lang naman syang natuto.

             "Hello, Spencer..'' Rinig kong wika ni Savanna. Pagka tapos ay nagmamadaling lumabas nang baking room. Mukhang may kausap ito sa phone, na kina hugot ko naman nang malalim na paghinga. Sino naman yun? Isa sa mga ka Fling's nya.. Pinilig ko nalang ang aking ulo, hindi ko na dapat pinapakialaman ang mga bagay tungkol sa kanya.

           Kaya lang-- hindi ko maiwasan.  Gusto ko syang umalis, lumayo.. pero-  may bahagi nang puso ko na pumipigil sa akin.

           "Ate--" Nagbaling ako kay Marie nang bigla itong magsalita. ''Okay na ba itong 24 pieces na cookies?'' Napa gawi naman ang tingin sa ginagawa nito. Oo pwede na siguro kasi sample lang naman.

          "O-oo okay na yan.. ako na ang bahala.." Tugon ko naman. Nagpaalam naman ito na maghahanda na daw ito nang lunch! Ang bilis naman nang oras, hindi ko namalayang magtatanghalian na naman pala. Lumabas na ito at naiwan na akong mag isa sa baking room ko.

                   Nang tumunog na ang timer nang oven, sinunod ko munang sinalang yung cupcakes na 12 pieces lang naman. Huli nalang yung cookies. Inumpisahan ko nang e-decorate ko cake pero hindi parin nakaka balik dito sa Savanna. Grabe namang maka telebabad, paano sya matatapos sa ginagawa nya kong ganyan.

                Patapos na ako sa pagde-decorate nang cake tsaka lang naka balik si Savanna. Napansin ko naman ang panana himik nito at rinig ko ang mararahas nitong pag hinga habang pinagpatuloy ang ginagawa nito kanina. Pero napapansin ko kanina pa tunog nang tunog  ang phone nito kaya nahihinto sya kanyang ginagawa. Para mag reply kong sino man yang istorbo na message nang message sa kanya.

            ''Ahm-'' Medyo nilakasan ko ang pag tikhim, dahilan para mapa baling ang atensyon nito sa akin.. "Tapos na tong cake." Turan ko pero hindi ako sa kanya naka tingin. Kita naman nang peripheral vision ko na bigla itong napa tayo at humakbang patungo sa kinaroroonan ko.

             "Wow! Ang ganda naman nang pagkaka design.'' Puri nito. Syempre ako pa! "Mukha pang-- masarap!" Sabay baling nito sa aking mukha at tumaas ang kabilang sulok nang labi nito. Na kina iwas ko kaagad nang tingin, parang may ibang kahulugan na naman kasi yung sinabi nya. Kaya ang ginawa ko, iniwan ko nalang sya at pinuntahan ko muna yung sinalang ko sa oven.

          Saktong namang tumunog na uli yung timer nang oven. Sa wakas yung cookies nalang, kaya inabala ko nalang muli ang aking sarili-- "Vale'' Tawag nito bigla sa pangalan ko. Sya lang ang tumatawag sa akin nang nick name na yan at kong maari lang sana kapag andito sya sa bahay ko, huwag na huwag nya akong matawag tawag sa pangalang yan..

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon