Chapter 28

4.1K 197 42
                                    

Savanna pov..

"Kuya!!" Mabilis kong dinaluhan nang mahigpit na yakap ang aking kapatid. At mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kamuntik na kamuntik na nya  kaming mahuli ni Vale.

"Savanna.. thank God! Sobra na kaming nag aalala nang ate Valerie mo sayo, muntik na akong tumawag kila Mommy--"

"I'm alright kuya!" Putol ko naman kaagad sa sinasabi nito. Sinadya ko namang hindi na muna makipag communicate sa pamilya ko. At napa kalas na ako nang yakap sa kanya.Kaya naman-- Sa totoo lang, sobrang na surpresa talaga ako nang makita ko si Valerie sa cafe kung saan ako nag apply nang trabaho. Yes, nag apply nang job at hindi kami magkasama ni Spencer sa iisang bahay. Mag isa kong namumuhay ngayon dito. Ito ang napag desisyunan ko pagtungtong ko nang Paris. At yung kanina, wala naman talaga akong kausap sa phone, kundi alarm lang yung tumunog na yun

Kahit labag iyon para kay Spencer wala din naman itong magagawa.. "Bunso!" Masuyong hinaplos ni kuya ang pisngi ko dahilan para mapa titig ako sa kanyang mukha na bakas parin nang sobrang pag aalala.

"Kuya, sabi ko naman sayo na ayos lang ako! Tignan mo naman buong buo ang napaka gandang kapatid mo.." Masigla kong wika. Yung puso mo lang ang wasak na wasak! Tuya naman ni inner self na pasimple kong kina baling sa babaeng pinakamamahal ko na kailan man hindi pwedeng mapasa-akin.

Prente itong naka tayo malapit lang sa distansya ko. Ewan ko kong nananadya ba talaga bakit dito pa nila naisipang mag honeymoon nang kapatid ko. Akala ko, habang andito ako sa lugar na ito, malayo sa kanya unti-unting mabubo ang puso ko. Lalo lang yatang mawawasak..

"Sav.. busy ka ba or kung hindi gusto kong makita mo yung tinutuluyan namin nang ate mo--"

"Oo busy sya--" Si Valerie ang sumagot. Na kina baling kong muli sa kanya na seryosong naka titig sa kanyang asawa. "Hinahanap na sya nang kanyang--"

"Kuya!! treat mo ko nang dinner ha.." Mabilis pa sa alas kuwatrong napa kapit ako sa isang braso nang kuya ko. Balak pa yata akong ibuking tungkol kay Spencer. Tuwang tuwa naman ang kuya ko sa aking sinabi.. lalo na nang hila hila ko na sya palabas nang eskenita. Walang nagawa si Valerie kundi madilim ang mukhang napa sunod nalang sa amin.

"Buti naman at nahanap ka nang ate Valerie mo.." Turan ni kuya habang naglalakad. Nahanap! Ako nga ang nakakita sa kanya eh. Mukhang maliit talaga ang mundo para sa aming dalawa. "Nagpalit ka ba nang number?" Tanong pa nito. Oo nga pala, sinadya kong palitan ang mobile number ko..

Ano kayang magandang alibi sa kuya ko-- "Mukha namang nag eenjoy si Savanna dito Xavier at mukhang ayaw nya talagang paistorbo.." Biglang turan ni Vale tsaka nauna na itong naglakad sa aming dalawa.

"Mukhang wrong timing yata yung honeymoon namin nang ate mo, kanina pa yan mainit ang ulo pagka dating palang namin.." Kakamot kamot namang wika nang aking kuya. Mainit ang ulo! Lihim tuloy akong napa ngisi. Alam ko kung papaano papahupain ang init na yun-- pero mabilis ko din lang pinilig ang aking ulo.

Tama na ang kahibangan Savanna.. Harap harapan na ngang sinabihan ka nung tao na hindi nya kayang iwan ang kanyang asawa. Hindi nya kayang ipagpalit ang kuya mo dahil sayo! Buntong hininga ko.. Dinner lang, ngayon lang at pagka tapos nito hindi na ako magpapa kita sa kanila.

Para sa ikakabuti ko at para hindi ko na din sila maabala. Kahit na ngayon palang nakakaramdam na ako nang kirot sa puso ko.

"Sya nga pala, maiba ako saan ka pala naka stay dito?" Usisa nang kuya ko nang makarating na kami sa loob nang unit tinutuluyan nila. Nanatili paring tahimik at walang kibo si Valerie na kasalukuyang nakasalampak nang upo sa sofa. Mukhang wala yata syang balak na pauupuin ako kaya nanatili nalang akong naka tayo.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon