Chapter 4: Madugong Aksidente

39 3 0
                                    

Habang naglalakad si Eliza sa labas ng kanilang bahay, parang mayroon siyang napansin sa labas.

Eliza's POV

"Hala? Bakit andaming tao dito sa labas? Anong nangyayari dito?" sabi niya sa sarili niya.

Nakita niya na mayroong isang truck at mayroong isang sasakyan na nagkabangaan sa daan. Usap-usapan daw ng mga tao na nawalan daw ng preno ang truck kaya naman ay nabangga nito ang sasakyan na sinasakyan nina Rod at Maricel. Lingid sa kaalaman ni Eliza na nasa panganib na pala ang kaniyang kaibigan.

"Uhm, excuse me po? Pwede po bang makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan?" sabi nito.

"Sige po."

Bigla na lamang nanlaki ang mata ni Eliza nang makita niya na sina Rod at Maricel ang nasa loob ng sasakyan. Duguan sila.

"Oh my gosh! ROD! MARICEEEELLLL! JUSKO ANONG NANGYARI SA INYO! TULUNGAN NYO KAMI! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!" pasigaw na sinabi ni Eliza.

Kaagad na tinawagan ni Eliza si Nanay Mercy upang sabihin ang nangyari kina Rod at Maricel.

"Nanay Mercy! Sina Rod at Maricel po! Naaksidente po sila!" kaagad na sinabi ni Eliza.

"Jusko po! Eto na nga ba ang sinasabi ko! Binalaan ko na sila na huwag silang tumuloy, pero hindi sila nakinig sa akin!" sabi ni Nanay Mercy.

"Nay Mercy, itetext ko nalang po sa inyo kung saang ospital po sila dadalhin. Pumunta na po kayo agad." sabi ni Eliza.

"Sige, Eliza, pupuntahan ko kayo agad. Itext mo na sa akin kung anong ospital 'yan ha." sabi ni Nanay Mercy.

Mercy's POV

"Jusko! Sinasabi ko na nga ba! Totoo ang masamang pangitain kanina! Sinabihan ko na sina Rod at Maricel na huwag nang tumuloy! Pero hindi sila nakinig sa akin! Ayan! Naaksidente tuloy sila." sabi ni Nanay Mercy sa kanyang sarili.

"Imus Family Hospital" ayan ang text message na bumungad sa kaniya.

"Salamat, Eliza, pupuntahan ko na kayo agad-agad!" sabi ni Nanay Mercy kay Eliza.

Kaagad na umalis ng bahay si Nanay Mercy at pinuntahan sina Rod at Maricel sa ospital. Pagkarating niya ay nadatnan niya na umiiyak si Eliza habang nakaupo sa upuan.

"Eliza, anong nangyari sa kanila? Okay ba sila? Kamusta na sila? Sana naman ay walang masamang mangyari sa kanila." sunod-sunod na tanong ni Nanay Mercy kay Eliza.

"Tita, s-si Maricel p-po, p-p-patay na siya." malungkot na sabi ni Eliza.

"Jusko! Hindi totoo 'yan! Hindi pa patay ang anak ko!" natatakot na sinabi ni Nanay Mercy.

"Si Rod? Nasaan si Rod?" sabi ni Nanay Mercy.

"Tita, nasa ICU siya, medyo kritikal ang lagay niya, ipagpanalangin nalang po natin na huwag rin siyang mamatay." sambit ni Eliza.

"Jusko po! Ano bang nangyayari sa amin? Nanganak na nga si Maricel ng kambal pero pagkatapos noon ay si Maricel naman ang nawala!" sambit ni Nanay Mercy.

"Tita, tiwala lang po, hindi po ibinigay sa atin ng Diyos ang pagsubok na ito kung hindi po natin kakayanin, magpakatatag lang po tayo." sabi ni Eliza.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon