Chapter 22: Resbak

23 2 0
                                    

Makalipas ang ilang araw, Lunes na naman. Kaya maagang pumasok si Althea at Jenny sa paaralan.

Sakto namang naroon si Wendy at si Amanda. Biglang sinugod ni Jenny si Wendy.

"Hoy Wendy! Bakit mo pinost ang away namin ni Amanda ha?" sigaw ni Jenny.

"Dapat lang 'yon, para malaman ng mga tao kung gaano ka kasama." sagot ni Wendy.

"Masama pala ha, sasampolan kita!" at biglang sinabunutan ni Jenny si Wendy.

Pinigilan ni Althea si Jenny at buti naman ay nagpaawat ito.

"Wendy, subukan mo pa ulit na saktan ang kaibigan ko at ako mismo ang makakalaban mo!" galit na sigaw ni Althea.

"Hoy babae, huwag ka nga magtapang-tapangan! Duwag ka naman eh! Hahahaha!" sigaw ni Amanda.

"Duwag pala ha, sige!" at pinakawalan ni Althea ang isang napakalakas na sampal.

Namula ang pisngi ni Amanda. Gigil na gigil na siya.

Biglang dumating si Mrs. Delos Santos. Galit na galit ito.

"Ms. Amanda Reyes, ikaw nanaman? At bakit kayo nag-aaway ni Althea?" galit na tinig ni Mrs. Delos Santos.

"Mam, sila po ang nauna." sagot ni Amanda.

"Ano? Hindi ba kayo magbabati?" tanong ni Mrs. Delos Santos.

"Mam, never! Never na kaming magkakaayos ng babaeng 'yan!" pagalit na sigaw ni Amanda.

"Ah ganon? Sige, both of you are suspended for 3 days! Tapos ang usapan!" galit na tinig ni Mrs. Delos Santos.

Biglang nagwalkout si Mrs. Delos Santos.

"Kasalanan mo 'to, Amanda!" galit na sigaw ni Althea.

"Bakit? Eh ikaw ang nauna!" galit na sambit ni Amanda.

"Anong ako? Eh diba kahapon sa mall, inangasan mo kami? As if naman na, hindi kami papatol sayo?" -Althea

"Hmph! Bahala kayong magbestfriend diyan! Magsama-sama kayo, magkampi-kampi kayo! Wala akong pakialam!" galit na tinig ni Amanda.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon