Chapter 50: Pintura Wars

10 2 0
                                    

"Tignan lang natin Althea, tignan lang natin kung magagawa mo pang lapitan si Justine sa pakulong gagawin ko." sambit ni Athena.

Pumunta si Athena sa rooftop ng kanilang paaralan. Sakto naman at bumukas ang pinto. Nasa likuran niya sina Kate at Patricia.

"Oh, aanhin mo naman ang itim pintura na 'yan? Wala naman tayong assignment sa arts ah." sambit ni Kate.

"Hindi sa arts. Basta may iba akong pakulong gagawin." at ngumiti si Athena ng nakakaloko.

"Ano naman kayang gagawin neto?" bulong ni Patricia kay Kate.

"Hintayin niyo lang. Patricia, hawakan mo 'tong pintura. Bababa tayo." sambit ni Athena.

"Huh? Anong gagawin natin?" tanong ni Kate.

"Basta. Tuturuan ko lang ng leksiyon ang kapatid ko." sambit ni Athena.

Bumaba si Athena at pinuntahan si Althea. Naroon din si Justine, kasama ni Althea at Jenny.

"Oh, Athena, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap." sambit ni Justine.

"Sandali lang, Justine. May importante lang akong gagawin." sambit ni Athena.

"Althea, kambal ko, kamusta ka na?" tanong ni Athena.

"Uhm, ayos naman ako." sambit ni Althea.

"Patricia, akin na 'yang pintura." bulong ni Athena kay Patricia.

"Nakikita mo 'tong pintura na 'to?" at biglang ibinuhos ni Athena ang pintura kay Althea.

Nanlaki ang mga mata ni Jenny. Ano bang nagawang kasalanan ni Althea kay Athena?

"Yang kulay ng pintura na 'yan, nakikita mo ba 'yan? Itim diba? Bagay 'yan sayo dahil maitim ang budhi mo. Ngayon, kung hindi mo titigilan ang jowa ko, mas malala pa diyan ang gagawin ko sayo." mariin na sambit ni Athena.

Habang naglalakad si Amanda ay nakita niya ang mga nagkukumpulan na mga tao. Ano kaya ang nangyayari?

Nagulat siya nang makita niya si Althea na halos maligo na sa itim na pintura. Sino naman kaya ang gumawa sa kaniya nito?

Nakita ni Amanda na naroon din si Athena. Si Athena ang nagbuhos ng pintura kay Althea!

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon