Chapter 40: Escape Plan

12 2 0
                                    

"Hindi mo makukuha ang anak ko!" sigaw ni Rod.

Pagkatapos noon ay biglang pumasok si Rod sa loob ng bahay at kinausap ang kambal.

Letty's POV

"Mga hayop kayo, talagang kukuhanin ninyo sa akin ang anak ko ha?" galit na bulong ni Letty sa sarili.

Pagkatapos noon ay naisipan ni Letty na tignan sa bintana ng bahay nila Rod kung anong ginagawa nila.

Rod's POV

"Mga anak, Althea at Athena. May naisip na akong plano kung papaano tayo makakaalis dito." sambit ni Rod.

"Papaano po, tay?" tanong ni Althea.

"Bukas ng gabi, lilipat tayo sa bahay natin sa Batangas. Sigurado ako na hindi na tayo masusundan ni Letty." paliwanag ni Rod.

"Ano pong gagawin natin doon?" tanong ni Athena.

"Anak, doon tayo pupunta para hindi tayo masundan ni Letty. Sigurado ako na safe tayo doon." tugon ni Rod.

"Sige po." sagot ni Athena.

"Mag-empake na kayo ng mga gamit ninyo. Para bukas, aalis nalang tayo." sagot ni Rod.

Lingid sa kaalaman nila na nakikinig pala si Letty mula sa bintana.

Letty's POV

"Aha! Tatakas pala kayo ha? Tignan lang natin kung makakaalis pa kayo. Akala niyo hindi ko kayo mabubuking ha, tignan lang natin!" bulong ni Letty sa sarili.

Pagkatapos malaman ni Letty ang sikreto nila Rod ay kaagad niyang pinuntahan si Raymond sa kulungan.

"Raymond, papaanong gagawin ko? Mukhang itatakas ni Rod sina Althea at Athena papuntang Batangas." tanong ni Letty.

"Paano ka nakakasigurong itatakas nila 'yung kambal?" tanong ni Raymond.

"Habang nag-uusap sila kanina, narinig ko ang pinag-uusapan nila. Itatakas niya ang kambal para hindi ko sila makuha." tugon ni Letty.

"Kailan nila gagawin ang plano nilang pagtakas?" tanong ni Raymond.

"Bukas daw ng gabi." tugon ni Letty.

"Alam ko na, diba alam mo kung saan nakatabi 'yung baril ko?" tanong ni Raymond.

"Ano? Bakit anong gagawin ko sa baril mo?" naguguluhang tanong ni Letty.

"Edi ano pa? Edi gagamitin mo sa Rod na 'yun. Diba itatakas niya ang anak natin? Oh, edi gagamitin mo kay Rod ang baril para kapag patay na siya, hindi niya maitatakas ang kambal." tugon ni Raymond.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon