Chapter 56: Break Up

11 1 0
                                    

Kinabukasan, pumasok na muli sina Althea at Jenny. Sinalubong sila ni Amanda at Wendy.

"Oh, Althea! Jenny! Halika na at mahuhuli na tayo sa klase!" sambit ni Amanda.

"Oo sige, halika na." sambit ni Jenny.

Pagkatapos ng klase ay muli nanamang hinanap ni Justine si Athena, ngunit si Althea ang nakita niya.

"Althea, nakita mo ba si Athena?" tanong ni Justine.

"Hindi. Justine please, kailangan mo na akong layuan." tugon ni Althea.

"Althea bakit?" tanong ni Justine.

"Dahil....dahil nagagalit si Athena sa tuwing makikita niyang magkasama tayo." tugon ni Althea.

"Bakit, Althea? Bakit siya magagalit? Wala namang tayo diba? Tsaka, sayo ako nagtatanong kung nasaan siya. Kaya wala namang masama dun diba?" sambit ni Justine.

"Please, Justine. Ayoko na ng gulo. Tama na. Please." sambit ni Althea.

Biglang dumating si Athena. Kasama niya pa rin sina Kate at Patricia.

"Althea! Ano nanamang ginagawa mo? Bakit mo nanaman ba kasama ang jowa ko ha? Alam mo, malandi ka talaga! Kaya ang dapat sayo, tinuturuan ng leksyon!" galit na sambit ni Athena.

"Pwede ba, Athena. Huwag mong awayin ang kapatid mo." saway ni Justine.

"Babe, huwag kang makisali sa away namin. Away magkapatid 'to. Please Babe, umalis ka na muna para hindi ka madamay sa gulo." sambit ni Athena.

"Hindi babe, hindi ako papayag na awayin mo si Althea. Pwede ba, hindi ka pa ba nakukunsensiya sa ginawa mo sa kaniya ha? 'Yung pagbuhos mo sa kaniya ng pintura. Hindi ka ba nakukunsensiya? Alam mo, nagkakaganyan ka ng dahil sakin. Athena." sambit ni Justine.

"Ano, hihiwalayan mo ako?" sambit ni Athena.

"Kung kinakailangan, oo. Alam mo, mabuti pa 'yung kakambal mo, mabait. Eh ikaw, nagiging masama ka ng dahil sa akin!" sambit ni Justine.

"No! Hindi ka makikipaghiwalay sa akin! Hindi!" sigaw ni Athena.

"Sorry, babe. Pero kailangan ko ng makipaghiwalay sayo. Nagiging masama ka ng tao." sambit ni Justine.

"HINDI!!!" sigaw ni Athena na parang nababaliw.

"Bes, kumalma ka!" sambit ni Kate.

"Kumalma? Paano ako kakalma Kate?! Paano?!" galit na sigaw ni Athena kay Kate.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon