"Eh ano ka ngayon, Rod? Diba? Ngayon, napatunayan na natin na hindi mo talaga totoong anak si Athena." mataray na sambit ni Letty.
"Hindi totoo 'yan! Baka naman binayaran niyo lang ang doktor para ibahin ang resulta." sambit ni Rod.
"Rod, huwag ka ngang mambintang, bakit? May pruweba ka ba ha?" sambit ni Raymond.
"Wala akong pruweba. Pero kaya kong patunayan na positive ang totoong resulta." sambit ni Rod.
"Sige nga, paano?" sambit ni Raymond.
Nilapitan ni Rod ang doktor na nagpa-DNA Test sa kanila. Kinausap niya ito.
"Dok, bakit naman po naging negative ang resulta? Alam ko po na anak ko si Athena." sambit ni Rod.
"Mr. Perez, totoo pong negative ang resulta. Wala pong bayarang naganap." sambit ng doktor.
"Dok, magsabi ka ng totoo. Kapag sinabi mo ang totoo, titriplehin ko ang bayad sayo. Pangako 'yan." sambit ni Rod.
"Sige na nga! Aamin na ako! Oo! May bayarang naganap! At si Athena Ramirez Santiago, anak mo siya, Mr. Perez! Sorry!" sambit ng doktor.
Nanlaki ang mata ni Athena ng mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwala.
"Hayop ka, dok. Bakit mo nagawa sa amin 'to? Pinagkatiwalaan ka namin! Pero bakit mo kami trinaydor!" pagalit na sambit ni Raymond.
"Pasensya na po, sir Raymond. Nangangailangan lang po kasi talaga ako." mahinang sambit ng doktor.
"Dok, salamat sa pagsasabi mo ng totoo. Heto ang bayad mo." sambit ni Rod.
"Salamat po, Mr. Perez." tugon ng doktor.
"Dok, wala kang kwenta! Magsara sana 'tong ospital niyo!" pagalit na sigaw ni Letty.
"Hindi kami papayag na makuha ninyo si Athena! Anak, halika na!" biglang hinila ni Raymond si Athena papunta sa kanilang sasakyan. Hindi na ito nakapalag pa.
"Raymond, hindi! Akin na ang anak ko!" sigaw ni Rod.
"Shut up, Rod. Pinagbigyan ka na namin sa gusto mo. Ngayon nalaman mo na totoo mong anak si Athena. Kaya manahimik ka na." sambit ni Raymond.
"Daddy please, don't do this." sambit ni Athena.
"Hindi, anak. Halika na. Hindi ako papayag na makuha ka nila." sambit ni Raymond.
Dali-daling itinakas nina Raymond at Letty si Athena. Hindi sila papayag na makuha ito nina Rod.
Rod's POV
"Inang, paano ko ba talaga makukuha ang anak ko? Paano ko siya makukuha kina Raymond at Letty? Sobrang desperado na ako na makuha ang anak ko!" -Rod
"Iho, huwag ka munang magpadalos-dalos sa mga plano mo. Baka mapahamak ka pa niyan." paalala ni Nanay Mercy.
"Pero inang, papaano po ba natin kukunin si Athena kina Raymond at Letty?" tanong ni Rod.
"Umisip tayo ng paraan, 'yung hindi tayo mabubuking." sagot ni Eliza.
"Alam ko na, bukas na bukas, susundan ko ang sasakyan nila. Aalamin ko kung saan sila nakatira. Hahanapin ko ang bahay nila. Para malaman natin kung saan natin makikita si Athena." dagdag pa ni Rod.
"Iho, baka mapahamak ka." tugon ni Nanay Mercy.
"Nay, kailangan ko pong gawin 'to para sa anak ko. Kailangan ko pong malaman kung saan sila nakatira para alam ko kung saan ko sila pupuntahan." tugon ni Rod.
"Sige, papayag ako. Basta sasama kami." sagot ni Nanay Mercy.
"Ako rin, sasama rin ako." sagot ni Eliza.
"Pero teka, sasabihan ko muna sina Althea at Jenny para alam din nila ang plano natin." -Rod
Tumayo si Rod sa kaniyang kinauupuan at pinuntahan sina Jenny at Althea sa kwarto ni Althea.
Kumatok si Rod at pinagbuksan siya ni Althea.
"Althea, Jenny, may kailangan akong sabihin sa inyo." -Rod
"Ano po 'yon, Daddy?" sagot ni Althea.
"Althea, Jenny, may naisip na akong plano kung paano natin mababawi si Athena." tugon ni Rod.
"Paano po?" tanong ni Jenny.
"Simple lang, pagkatapos ng klase ninyo ay pumunta kayo agad sa sasakyan. Susundan natin sina Raymond at Letty." paliwanag ni Rod.
"Sige po, pero po, baka mabuking nila tayo?" tanong ni Althea.
"Anak, hindi tayo magpapabuking sa kanila. Pailalim tayo kikilos. Basta magtiwala lang tayo na hindi nila tayo mahuhuli. Makukuha rin natin ang kapatid mo." sagot ni Rod.
"Sige po, tay." tugon ni Althea.
Kinabukasan, pagkatapos ng klase nina Althea at Jenny ay pumunta sina Rod, Nanay Mercy, at Eliza sa kanilang paaralan. Itutuloy na nila ang plano nila.
Sumakay silang lima sa sasakyan nina Rod, hinintay nila na makarating sina Raymond at Letty sa paaralan upang sunduin si Athena.
Pagkatapos noon ay sumakay na si Athena sa sasakyan. Pinaandar din ni Rod ang kaniyang sasakyan at sinimulan na nilang sundan ito.
"Tay, sigurado po ba kayo sa plano natin?" tanong ni Althea.
"Oo, anak. Siguradong-sigurado na ako. Makukuha rin natin ang kapatid mo." tugon ni Rod.
"Natatakot ako e, baka mahuli nila tayo?" tugon ni Jenny.
"Jenny, magtiwala ka nalang sa Tito Rod mo, na hindi nila tayo mahuhuli." tugon ni Nanay Mercy.
"S-sige po." mahinang sagot ni Jenny.
Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang bahay nina Raymond at Letty. Bumaba sina Raymond, Letty, at Athena sa sasakyan. Hindi nila namalayang may nakamasid pala sa kanila.
Bumaba rin ng sasakyan si Rod at tinignan niya kung ano ang nangyayari sa loob. Nakita niya na nag-uusap sina Raymond at Letty.
"Letty, kailangan na nating umalis sa lugar na 'to. Baka sundan nanaman tayo nung Rod na 'yon." sambit ni Raymond.
"Eh, papaano ang pag-aaral ng anak natin?" sambit ni Letty.
"Bahala na, basta kailangan na natin umalis. Mag-empake na tayo." sagot ni Raymond.
Hindi namalayan ni Rod na may natabig pala siya sa kaniyang gilid. Narinig ito ng mag-asawa.
"Sino 'yon?" tanong ni Letty.
"Hindi ko alam." tugon ni Raymond.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
De TodoThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...