Chapter 57: Baliw Si Athena!

13 1 0
                                    

"Bes, kumalma ka muna, kumalma ka muna." pagpapakalma ni Kate kay Athena.

"Alam mo, bes, nagiging ganyan ka ng dahil sa lalaki." sambit ni Patricia.

"Palibhasa kasi, wala kayong mga jowa kaya ganyan kayo. Basta hindi ako papayag na hiwalayan ako ni Justine! Hindi ako papayag!" sambit ni Athena.

"Bes, chill ka lang." pagpapakalma ni Patricia.

"Paano ako kakalma ha?! Nang dahil sa kanya, naghiwalay kami ng jowa ko! Kaya ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para sirain ang kapatid ko!" mariin na sambit ni Athena.

"Bes, wag kang magsasalita ng ganyan. Baka bumalik sayo lahat ng mga masasamang gagawin mo!" babala ni Kate

"Wala akong pakialam Kate, basta sisiguraduhin ko, habang nabubuhay ako, sisirain ko ang kapatid ko! Gagawin kong impyerno ang buhay niya!" gigil na gigil na sambit ni Athena.

"Athena, wag ka ngang ganyan, paano kung, sayo bumalik ang mga sinabi mo?

"Wala akong pakialam! Wala akong pake kung bumalik lahat sakin ng masamang gagawin ko sa kapatid ko. Masaya na ako na makapaghiganti sa kaniya." sambit ni Athena.

"Eh, anong plano mo ngayon?" tanong ni Kate.

"Well, papaikutin ko lang naman siya. Kunwari, makikipagbati ako sa kaniya, pero ang totoo, isesetup ko siya. Papahiyain ko siya." sambit ni Athena.

"Huh? Eh kelan mo naman gagawin 'yun?" tanong ni Patricia.

"Mamaya. Hihingi muna ako ng tawad sa kaniya para kunwari mabait ako. Pero hindi. Dahil pakana ko lang 'yun." saad ni Athena.

"Hmmm, mukhang magandang plano 'yan ah. Pwede ba kaming sumama?" tanong ni Kate.

"Oo. Kailangan niyo talagang sumama. Dahil, kailangan ko ng tulong sa inyo." sambit ni Athena.

"I like that plan, Athena. Ang ganda nito. Well, excited na 'ko sa plano nating pagsira sa kapatid mo." sambit ni Kate.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon