Chapter 64: Forgiveness

17 2 0
                                    

"Athena?" sambit ni Althea.

"Oo, Althea, ako nga. Nandito ako hindi para makipag-away sa inyo. Nandito ako para humingi ng tawad. Ang dami-dami kong kasalanan sa inyo." sambit ni Athena.

"Kambal, napatawad ka na namin. Sana lang ay totoo na ang paghingi mo ng tawad this time." sambit ni Althea.

"Oo, totoong-totoo na talaga 'to. No more pintura this time. Alam mo Athena, ilang beses na kitang inaway at pinahiya nang paulit-ulit, sa harap ng maraming tao. Althea, nandito ako para humingi ng tawad. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko, sorry sa lahat ng pang-aasar ko sayo, sorry sa lahat." naiiyak na sambit ni Athena.

"Pasensya na rin ha. Nang dahil sa akin, nag-away tuloy kayo ni Justine." sambit ni Althea.

"Wala na 'yun, Althea. Tsaka, nga pala, may kasama pala ako, naghihintay siya sa labas." sambit ni Athena.

"Sino?" tanong ni Althea.

"Si Harry. Ang kapatid ni Amanda." sambit ni Athena.

"Ano? Nandyan ang kapatid ko?" tanong ni Amanda.

"Oo, Amanda. May sasabihin daw siya sayo." sambit ni Athena.

Binuksan ni Athena ang pinto at pinapasok si Harry.

"Ate!" sambit ni Harry.

"Kapatid ko, pasensya ka na sa mga kasamaan ko ha." sambit ni Amanda.

"Ate, wala na 'yun. Basta sana, huwag na tayong mag-aaway ha." sambit ni Harry.

"Oo naman." at nagyakapan ang magkapatid.

"Ano? Sana okay na kayo ha. Sana hindi na tayo mag-away-away. Peace na tayong lahat." sambit ni Jenny.

"Oo, peace na." sambit ni Athena.

"Oo, Jenny. Bati-bati na tayong lahat. Wala nang away-away. Pero hindi pa ako tapos dahil maghihiganti pa ako kay Raymond na pumatay kay Wendy." sambit ni Amanda.

"Amanda, bago mo gawin ang lahat ng 'yan, kailangan natin magpasama sa mga pulis." sambit ni Althea.

"Kaya nga, pagkatapos ng libing ni Wendy, hahanapin natin si Raymond kasama ng mga pulis. Ipapahanap natin siya." sambit ni Amanda.

"Sige, magpapaalam din ako kay daddy." sambit ni Althea.

"Ako rin. Magpapaalam din ako kina mommy. Baka mag-alala nanaman 'yun eh." sambit ni Jenny.

"Basta tuloy ang plano ha." sambit ni Amanda.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon