Chapter 62: Rest In Peace, Please

19 2 0
                                    

"Wendy!!!" sigaw ni Amanda.

"Ayan kasi eh! Bakit ka ba kasi humarang?! Hindi naman dapat ikaw 'yung papatayin ko eh!" sigaw ni Raymond.

Halos hindi na makagalaw si Wendy. Nanghihina na siya pero nagawa pa rin niyang magsalita.

"Althea, Jenny, sorry sa lahat ng mga ginawa naming kasalanan ni Amanda sa inyo. Sana mapatawad ninyo ako." sambit ni Wendy.

"Wendy, napatawad ka na namin noon pa." sambit ni Jenny.

"Tama si Jenny, Wendy. Napatawad ka na namin." sambit ni Althea.

"S-salamat." nanghihinang sambit ni Wendy.

"Dadalhin ka na namin sa ospital, Wendy." sambit ni Rod.

Biglang may mga dumating na pulis. Pero bago pa man nila mahuli si Raymond, nakatakas na ito.

Tumawag sila ng ambulansya upang madala na si Wendy sa ospital.

Hinang-hina na si Wendy. Parang hindi na niya kaya. Hindi nila alam kung makakaligtas pa si Wendy.

"Time of death, 3:36pm." sambit ng doktor.

"Hindi! Hindi pa patay si Wendy!" sigaw ni Amanda.

"Sorry, iha. Pero mukhang hanggang doon nalang siya." sambit ng doktor.

"No, doc. I-revive ninyo siya! Hindi pwedeng mamatay ang bestfriend ko!" sigaw ni Amanda.

"Pasensya na, iha. Pero we did our best." sambit ng doktor.

"Kasalanan mo 'to, Raymond. Kung hindi dahil sayo, hindi mamamatay ang bestfriend ko! Sisiguraduhin ko, ipaghihiganti ko siya!" bulong ni Amanda sa sarili.

"Wendy, bakit mo ba kami iniwan?" sambit ni Althea.

"Bes, gumising ka na." sambit ni Amanda.

"BES! GUMISING KA!" sigaw ni Amanda.

Sinubukan ni Amanda na i-CPR si Wendy ngunit hindi ito gumana.

Wala nang magawa si Amanda kundi ang umiyak nang umiyak.

Hindi pa rin niya natatanggap na wala na si Wendy.

Raymond's POV

"Bwisit! Si Rod nga dapat 'yung tatamaan eh! Hindi 'yung Wendy na 'yun!" galit na sambit ni Raymond.

"Boss, kumalma ka lang. Makakaganti rin tayo sa kanila. Mapapatay mo rin ang kailangan mong patayin." sambit ni Obet.

"Eh hindi ko nga napatay eh! Kaya ayan, wanted nanaman tayo ng mga pulis!" sambit ni Raymond.

"Boss, hindi nila tayo matutunton dito. Nasa liblib na lugar tayo at saka wala masyadong tao dito. Imposibleng mahanap tayo dito ng mga pulis." tugon ni Berto.

"Berto, Obet, kailangan ninyong siguraduhin na walang mga pulis sa labas ha, kung hindi makakatikim kayo sa akin!" sigaw ni Raymond.

"Opo, boss." sambit ni Berto.

"Hindi pwedeng masira ang plano natin. Kailangan nating mapatay si Rod. Habang nandito siya, mahihirapan akong makuha si Athena." sambit ni Raymond.

Wendy's POV

Napakaliwanag. Parang nakakabulag ang liwanag na nakikita ko. Wala akong makitang kahit sinong tao. Nasaan na ba sina Amanda? Bakit ba wala sila?

Naglakad-lakad ako. Tinitignan ko kung may makikita akong kahit na sinong tao dito.

Makalipas ang ilang minuto, may nakita akong babae na nakaputi. Tinanong ko ang pangalan niya.

"Ano pong pangalan ninyo?" tanong ni Wendy.

"Maricel." tugon ng babae.

"Hindi po ba, Maricel din ang pangalan ng nanay nina Althea at Athena?" sambit ni Wendy.

"Ano? Kilala mo si Althea?" tanong ni Maricel.

"Opo. Kaibigan po nila ako." tugon ni Wendy.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Maricel.

"Wendy po." sambit ni Wendy.

"Anong ikinamatay mo?" tanong ni Maricel.

"Nabaril po ako. Hindi ko na po kinaya. Isusugod po nila ako dapat sa ospital pero hindi na po kinaya." sambit ni Wendy.

"Ah. Kami naman, naaksidente ng asawa kong si Rod. Siya lang ang nakaligtas. Naaawa nga ako sa anak kong kambal eh. Hindi na nila ako nakita sa personal." sambit ni Maricel.

"Kaya nga po eh. Naaawa po ako kina Althea at Athena. Alam ko po na kayo ang totoong magulang ni Athena." sambit ni Wendy.

"Athena? Sino si Athena? Ang alam ko, Angela ang pangalan ng kakambal ni Althea." tanong ni Maricel.

"Athena na po ang ipinangalan sa kanya ng mga umampon sa kaniya. Mabuti po at nagkita sila ni Althea kaya nalaman po ni Althea na may kakambal pala siya." paliwanag ni Wendy.

"Sana, ayos lang sila." tugon ni Maricel.

Althea's POV

Kanina pa iyak ng iyak si Amanda. Halos maubusan na siya ng luha sa sobrang kaiiyak. Naaawa ako sa kaniya. Ang aga niyang mawalan ng bestfriend. Oo, masamang tao siya. Pero noon 'yun. Dahil ngayon, napatawad ko na siya. Pero bakit kaya ngayong mabait na siya, eh saka pa siya nawalan ng kaibigan?

"Amanda, uminom ka muna ng tubig." sinabi ko kay Amanda.

"Salamat, Althea." at tinanggap nga ni Amanda ang inalok kong tubig sa kaniya.

"Amanda, alam ko na, kahit papaano, naging mabuti ka rin." sambit ko kay Amanda.

"Salamat, Althea. Dahil nakikita mo ang pagbabago ko." sambit ni Amanda.

"Amanda, alam kong wala na si Wendy. Sana ay tatagan mo ang loob mo. Lakasan mo ang loob mo. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Siguro may dahilan lang kung bakit nawala na kaagad ang kaibigan mo. Pero, ipapangako ko sayo, ipaghihiganti natin ang kaibigan mo." sinabi ko kay Amanda.

"Salamat ha. Pinalalakas mo ang loob ko." tugon ni Amanda.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon