Chapter 68 (Finale): The Final Revenge

58 3 6
                                    

"Raymond? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rod.

"Andito ako, para kuhanin si Athena sa inyo! Kukuhanin ko siya sa inyo! Hindi ko kayo hahayaang itakas ang anak ko! Kung hindi, papatayin ko kayong lahat! Hahahahaha!" sambit ni Raymond at tumawa ng nakakaloko.

"Hindi mo makukuha sa akin ang anak ko. Kung iniisip mo na magagawa mo 'yun, nagkakamali ka, Raymond. Hinding-hindi mo makukuha sa akin ang anak ko! Hindi ka magtatagumpay!" sambit ni Rod.

"Pwede ba, Rod, ang dami mong satsat, kung sana, noon palang, ibinalik niyo na sa akin si Athena, edi wala na tayong problema! Eh sorry nalang dahil pinaabot niyo pa sa ganito eh. Pinaabot niyo pa sa puntong makakapatay ako ng tao. Hinintay niyo pang maging sukdulan ang kasamaan ko eh." sambit ni Raymond.

"Pwede ba Raymond, kami, kami ang totoong pamilya ni Athena. At ikaw lang ang kumupkop sa kaniya simula bata pa siya hanggang sa lumaki siya. Raymond, bigyan mo naman kami ng pagkakataon para naman maiparamdam namin sa kaniya ang pagmamahal namin." tugon ni Nanay Mercy.

"Hoy tanda, ang dami mong sinabi. Ang dami mong satsat. Pwede ba, manahimik nalang kaya kayo!" sigaw ni Raymond.

"Pwede ba, Raymond. Tigilan mo na kami. Kung gusto mo, tumakas ka na o kaya magpakalayo-layo ka. Hindi ka namin isusumbong sa pulis." sambit ni Rod.

"Ano ka ba naman Rod, huwag ka ngang nagbibiro ng ganyan! Baka maniwala pa ako sayo eh! Hahahaha!" at tumawa si Raymond ng nakakaloko.

"Raymond, bakit ka ba naghihiganti sa amin? Bakit mo ba kaming gustong patayin?" tanong ni Rod.

"Bakit ko kayo gustong patayin? Ha? Seryoso ka ba, Rod? Alam mo, simple lang naman kasi ang sagot ko. Kung noon pa lang, ibinigay niyo na sa akin si Athena, edi wala tayong magiging problema. Athena naman kasi, bakit ba hindi ka pa sumama sa amin? Edi sana hindi tayo umabot sa ganito. Hinintay niyo pa kasi na mapatay ko si Amanda at Letty. Hinayaan ninyong lumala ang sitwasyon!" galit na sambit ni Raymond.

"Ano? Patay na si Letty?" gulat na sambit ni Rod.

"Oo, pinatay ko na si Letty. Eh kasi, traydor siya eh. Kayo ang kinampihan hindi ako. Aba, eh sinabi niya na masama daw pumatay ng tao? Edi siya ang pinatay ko! Kaya ayun. Hahahaha!" tumawa si Raymond ng nakakaloko.

"Halika na anak, sumama ka na sa akin. Promise, titigil na ako, basta sumama ka lang anak, please." dagdag pa ni Raymond.

"No, daddy, never akong sasama sayo. Never akong sasama sa isang kriminal. Ayokong malaman ng ibang tao na kriminal ang daddy ko." sambit ni Athena.

"Ah, ganon? Hindi ka sasama? Wala ka palang utang na loob sa amin eh! Kami ang nagpalaki sayo. Anong karapatan mong sabihin 'yan Athena ha?" galit na sambit ni Raymond.

"Daddy, please. Tama na po. Kahit anong gawin niyo, hindi po ako sasama sa inyo." sambit ni Athena.

"Ah ganon, babarilin ko ang tatay mo kapag hindi ka sumama!" sigaw ni Raymond.

"Alam mo, Raymond, tama na. Napakarami mo nang kinuhang buhay. Si Eliza, si Wendy, si Amanda, at si Letty! Napakasama mo talaga Raymond! Alam mo, kulang pa sayo ang masunog sa impyerno sa lahat ng mga kasamaang ginawa mo! Alam mo, dapat mas higit pa don ang parusa mo! Sisiguraduhin ko na si Letty na ang magiging huling biktima mo!" sambit ni Rod.

"Alam mo Rod, kaya lang naman sila namamatay, eh kasi dahil lapit sila ng lapit sayo! Kasalanan nila 'yan, kung hindi sila lumalapit sayo, edi sana hindi sila nadadamay! Alam mo Rod, maswerte ka pa nga eh. Natatandaan mo ba? Kaya namatay si Eliza, dahil humarang siya para hindi ka mamatay! Si Wendy, humarang din siya kaya hindi ka namatay! At si Amanda naman, nahuli niya akong minamanmanan kayo. Kaya ko siya pinatay, para hindi siya magsumbong sa pulis! At eto namang si Letty, napakatraydor! Kaya naman, pinatahimik ko na sila! Hahahahaha! Eh, ikaw kaya Rod? Kailan ka kaya mamamatay? Hahahaha! Kung patayin ko na kaya kayong lahat? Para madagdag kayo sa listahan ng mga taong pinatay ko. Tutal, masama na kung masama, edi ipapakita ko sa inyo kung gaano talaga akong kasama at kademonyo!" sambit ni Raymond.

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon