Pagkalabas ni Raymond ay tinignan niya kung sino ang lumikha ng ingay na 'yon. Nakita niya si Rod.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ni Raymond.
"Raymond, maawa ka na, ibalik mo na sa akin ang anak ko! Nagmamakaawa ako sayo!" nagmamakaawang sagot ni Rod.
"Kahit kailan, hindi ko ibibigay sayo si Athena! Hindi mo siya makukuha!" galit na tinig ni Raymond.
Jenny's POV
"Nakupo! Nahuli si Tito Rod! Paanong gagawin natin?" tanong ni Jenny.
"Halika, bumaba tayo. Baka kung anong gawin ni Raymond kay Rod." tugon ni Nanay Mercy.
Bumaba silang lahat ng sasakyan at isinarado ito. Nakita nilang galit na galit si Raymond.
Raymond's POV
"Umalis na kayo! Kung ayaw niyong magpatawag ako ng pulis!" galit na tinig ni Raymond.
"Hindi ako aalis dito! Raymond, nagmamakaawa ako. Ibigay mo na sa akin ang anak ko!" nagmamakaawang sagot ni Rod.
"Ah, hindi ka ba talaga aalis? Sige, tignan mo kung anong gagawin ko sayo." pagbabanta ni Raymond.
Pumasok si Raymond sa loob ng bahay at may kinuha siyang kung ano. Nakita ni Letty ang kinuha niya. Ang mamahalin niyang baril.
"Raymond, anong gagawin mo?" naguguluhang tanong ni Letty.
"Ayaw nila tayong tigilan eh, ipapatikim ko sa kanila ang nararapat sa kanila!" galit na tinig ni Raymond.
Lumabas si Raymond at pinuntahan si Rod. Sumunod sa likod nito si Letty.
Itinutok nito ang baril kay Rod.
"Jusko! Raymond, tigilan mo 'yan! Makakapatay ka ng tao!" sigaw ni Letty.
"Wala akong pakialam! Ayaw niya tayong tigilan eh." galit na tinig ni Raymond.
"Raymond, ibaba mo ang baril!" sigaw ni Nanay Mercy.
"Ano? Hindi ka ba aalis, ha?" galit na tinig ni Raymond.
"Kahit patayin mo pa ako, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ibinibigay ang anak ko!" sagot ni Rod.
"Ah, ganon? O sige!" sigaw ni Raymond.
Itinutok na ni Raymond kay Rod ang baril. Papatayin niya na si Rod.
Nagulat silang lahat...
Nanlaki ang kanilang mga mata...
Paano kasi...
Hinarangan ni Eliza si Rod upang hindi ito mabaril!
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...