"Ano po bang kailangan ninyo sa akin?" naguguluhang tanong ni Athena.
"Athena, please. Magpa-DNA test na tayo. 'Yun lang ang gusto ko. Sana pagbigyan mo na ako." nagmamakaawang sambit ni Rod.
"Hindi po papayag ang mga magulang ko. Kaya po, please! Bitawan niyo na ako!" sagot ni Athena.
"Sige, bibitawan na kita. Pero sana, pumayag ka na. Hindi natin ipapaalam sa mga magulang mo." sagot ni Rod.
"Sige po, pagkatapos nito. Titigilan niyo na ba ako?" tanong ni Athena.
"Kapag naging negatibo ang resulta. Pero kapag positibo, babawiin kita sa mga magulang mo." sagot ni Rod.
"Sigurado naman ho ako na magiging negative ang resulta dahil hindi niyo naman ho ako anak. Baka ho impostora ko lang 'yan si Althea kaya magkapareho kami ng mukha." sagot ni Athena.
"Please, halika na." sagot ni Rod.
Pumayag si Athena na magpa-DNA test sila ni Rod para tigilan na siya nito. Sumama siya rito ng hindi nakakapagpaalam sa kaniyang mga magulang.
Makalipas ang ilang minuto, biglang dumating sina Raymond at Letty. Mabuti na lang at sinundan nila sina Althea at Athena.
"Aha! Mabuti na lang at nasundan namin kayo! Magpapa-DNA test pala kayo ha! Hindi kami papayag! Mabuti na lang at nasundan namin kayo!" -Letty
"Wala na kayong aabutan. Tapos na ang DNA Test." sambit ni Rod.
"Hindi mo anak si Athena! Sigurado ako na magiging negative ang resulta ng DNA Test na 'yan!" galit na tinig ni Raymond.
"Halika na, anak. Umalis na tayo." -Letty
Natatakot sina Raymond at Letty na baka maging positive ang resulta ng DNA Test. Hindi nila hahayaang mabawi nila Rod si Athena.
"Rod, excited na akong makasama si Athena. Sa wakas, mapapatunayan na nating totoo mo siyang anak." sambit ni Eliza.
"Oo nga, Eliza. Sana lang ay walang bayarang maganap. Sana ay hindi bayaran nina Raymond at Letty ang doktor. Gusto ko nang mapatunayan sa kanila na totoo kong anak si Athena." sambit ni Rod.
Athena's POV
"Mommy, bakit po ba ayaw ninyo na magpa-DNA test sa kaniya? Mommy, hindi niya tayo titigilan hangga't hindi natin ibinibigay ang gusto niya." sagot ni Athena sa kaniyang mommy.
"Anak, nasisiraan ka na ba ng ulo? Bakit ka pumayag na magpa-DNA test sa kaniya? Bakit ka sumama sa kaniya?" medyo galit na tinig ni Letty.
"Mommy, ginawa ko lang naman po 'yun para manahimik na siya, at tsaka, sigurado naman po ako na magiging negative ang resulta diba? Hindi po ako naniniwalang kakambal ko 'yung Althea na 'yun." sagot ni Athena.
"Talagang dapat lang na hindi ka maniwala na kakambal mo ang babaeng 'yon. Kami lang ang pamilya mo." galit na sambit ni Letty.
"Opo." mahinang sagot ni Athena.
Letty's POV
"Raymond, papaano natin sasabihin kay Athena na hindi natin siya anak?" tanong ni Letty kay Raymond.
"Hindi ko rin alam. Natatakot ako na malaman ni Athena ang totoo." tugon ni Raymond.
"Raymond, ipangako mo sa akin, na kahit anong mangyari ay hindi mo ibibigay si Athena kay Rod." -Letty
"Oo, hinding-hindi ko ibibigay sa kanya ang anak natin. Kahit pa lumuha siya ng dugo, hinding-hindi ko gagawin 'yon." tugon ni Raymond.
Makalipas ang ilang araw, inilabas na ang resulta ng DNA Test.
"Letty, humanda na kayo ngayon. Dahil sigurado ako na ngayong araw, malalaman na natin ang katotohanang anak ko talaga si Athena." sambit ni Rod.
"Tignan lang natin, Rod. Malalaman na natin ang totoo." sambit ni Letty.
Binuksan nila ang isang envelope at naroon ang resulta ng DNA Test. Nanlaki ang mga mata ni Rod!
Paano kasi...
Naging negative ang resulta!
"Hindi, imposible 'to! Anak ko si Athena!" sigaw ni Rod.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
AlteleThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...