Kinabukasan, pumasok na muli si Althea sa kanilang paaralan. Kasama niya ang tatay niya. Sakto namang nandoon si Athena kasama ang kaibigan niyang sina Kate at Patricia.
"Tay, andun po si Athena." -Althea
Nang makita ni Rod si Athena ay tumakbo ito papunta dito.
"Anak ko! Angela! Sa wakas, nahanap na rin kita! Ang tagal tagal kitang hinanap! Araw-araw kitang iniisip kung nasa mabuti ka bang kalagayan. Mabuti na lang at nakita na kita anak ko!" masiglang sambit ni Rod.
Biglang itinulak ng bahagya ni Athena si Rod kaya ay napabitaw ito sa pagkakayakap.
"Sino po ba kayo? Hindi po Angela ang pangalan ko! Ako po si Athena! At tsaka, anong anak? Hindi ko po kayo tatay! Si Daddy Raymond at si Mommy Letty lang po ang mga magulang ko!" sambit ni Athena.
"Hindi, ako ang tunay mong ama! Hindi mo sila totoong mga magulang! Kaya please, sumama ka na sa amin ni Althea." sambit ni Rod.
"Hindi po ako sasama sa inyo! Hindi po kayo ang pamilya ko!" galit na sambit ni Athena.
"Pero, ikaw ang anak ko! Ipinamigay kita noong bata ka pa, dahil namatay ang mommy mo sa aksidente. Hindi ko na kayang tustusan ang pangangailangan ninyo ni Althea kaya ko ginawa iyon. Pero anak, sana intindihin mo ako, sana mapatawad mo ako, anak. Araw-araw kong pinagsisisihan ang ginawa ko sa iyo. Please anak." paliwanag ni Rod.
"Kahit ano pong sabihin ninyo, hindi po ako sasama sa inyo!" galit na sambit ni Athena.
"Pero..."
"Bitawan niyo po ako! Mahuhuli na po ako sa klase ko." sambit ni Athena.
Nilayasan ni Athena ang nagpakilalang ama nya, at pagkatapos ay binalikan ni Rod si Althea.
"Althea, hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang kakambal mo! Siya ang kapatid mo!" sambit ni Rod.
"Tay, naniniwala po ako na siya na po talaga ang totoong kapatid ko. Alam ko po na darating ang panahon na sasama siya sa atin." sagot ni Althea.
"Sige po tay, mahuhuli na po ako sa klase ko." pagpapaalam ni Althea.
"Sige anak. Bye!" sagot ni Rod.
Athena's POV
"My goodness, Athena! May kakambal ka?" tanong ni Patricia kay Athena.
"Hell no, hindi ko magiging kakambal ang babaeng 'yun. Tsaka sina Daddy Raymond lang at Mommy Letty lang ang magulang ko no. Siguro, nagpafacial surgery lang 'yung babaeng 'yun para sabihin na kakambal ko siya." sagot ni Athena.
"Eh, what if kung totoo nga 'yung sinasabi niya?" tanong ni Kate.
"Kahit totoo 'yun, hindi pa rin ako sasama sa kanila." sagot ni Athena.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...