Chapter 10: Paliwanag

38 2 0
                                    

Pagkauwing pagkauwi ni Jenny sa kanilang bahay ay sinalubong siya ng kanyang nanay na si Beth. Nagulat siya dahil sa mga pasa at galos sa iba't ibang parte ng katawan ni Jenny. Kaya't tinanong niya ito kung ano ba ang nangyari sa anak.

Beth's POV

"Anak, anong nangyari sayo? Bakit puro ka pasa at galos? Nakipagaway ka ba?" -Beth

"Nay, mahabang kwento po. Naiinis po kasi ako sa isa kong kaeskuwela eh. Ayaw nya po kaming tigilan ni Althea." -Jenny

"Ha, bakit? Sino ba 'yan ha? Anong karapatan niyang ganyanin ka?" -Beth

"Nay, magbibihis lang po ako. Tsaka na po ako magpapaliwanag sa inyo." -Jenny

"Sige, anak, magbihis ka muna at mag-uusap tayo. Baka magalit sayo ang papa mo kapag nakitang ganyan ang itsura mo." -Beth

Pagkatapos magbihis ni Jenny ay kaagad siyang tumungo sa sofa at nakipag-usap sa kaniyang ina.

"Nay, si Amanda po, 'yung kaschoolmate namin, inaaway po 'yung bestfriend ko na si Althea. Bagong estudyante lang po si Althea kaya hindi ko po sya pwedeng hayaan na saktan lang nung babaeng Amanda na 'yon. Nay, mabait po si Althea, at alam ko po na magiging magkasundo kami. Alam ko po na mabait siyang tao. Nay, palagi po kasi siyang pinag-iinitan ni Amanda. Kaya po wala na po akong magawa kundi ipagtanggol siya." paliwanag ni Jenny.

"Nako anak, edi ikaw na si Super Jenny? Ikaw ang tagapagtanggol ng mga naaapi? Hay nako anak, manang mana ka talaga sa akin, kahit nga ako nung bata ako e, inaaway ko rin 'yung kaaway ng kaibigan ko para lang maipagtanggol ko siya. Pero sana naman anak, mag-ingat ka naman sa susunod, ayaw kitang mapahamak. Ikaw lang nag-iisang anak namin. Ayaw naming mawala ka." sagot ng kaniyang ina.

"Opo, nay, alam ko naman po 'yun. Kaya nga po nag-iingat ako e, kahit na nadadamay ako sa gulo." saad ni Jenny.

"Halika na, anak. Gagamutin natin 'yang sugat mo." sagot ng kaniyang ina.

Althea's POV

"Tay, paano po bang gagawin ko para tigilan na ako ng kaaway ko? Tay, tulungan mo naman po ako." -Althea

"Sige, anak. Bukas kakausapin ko siya. Ituro mo lang sa akin kung sino at papagsabihan ko." -Rod

"Salamat, Tay. Da best ka talaga." sambit ni Althea.

Kinabukasan, hinatid ni Rod si Althea papunta sa kaniyang eskwelahan. Itinuro ni Althea kung sino si Amanda. Pinagsabihan ng tatay ni Althea si Amanda na tigilan na ang kaniyang anak.

Rod's POV

"Ah, iha, pakiusap ko lang sana na tigilan mo na ang aking anak. Wala naman daw siyang ginagawa sayo." mahinahon na sambit ni Rod.

"Bakit ho ako? Si Althea po ang nauna. Hindi po kasi siya tumitingin sa daanan kaya po natabig niya po ako. Nabasag po ang aking cellphone nang dahil sa kanya. At tsinitsismis pa niya po ako sa kaibigan niya." -Amanda

"Ah, sige, kakausapin mo muna siya." -Rod

Althea's POV

"Nak, usap muna tayo." -Rod

"Bakit po, Tay? Napagsabihan nyo na po ba si Amanda?" -Althea

"Sabi niya, ikaw daw ang nauna. Hindi ka raw kasi tumitingin sa dinadaanan mo. Kaya raw nabasag ang cellphone niya. Tapos daw tsinitsismis mo pa daw siya sa kaibigan mo." paliwanag ni Rod.

"Tay, humingi po ako ng tawad sa kanya. Hindi niya po tinanggap tapos tinarayan pa niya po ako. Kaya po lalong lumala ang away namin." -Althea

"Amanda, Althea, magbati na kayo. Para matapos na ang gulo." -Rod

"Opo, tay. Magbabati na po kami." -Althea

"Sige na nga." at pasimpleng inirapan ni Amanda si Althea.

"O siya, anak, sige, aalis na ako. Mag-iingat ka ha." -Rod

"Opo, tay. Love you." -Althea

Pagkaalis ni Rod sa eskwelahan nina Althea ay biglang dumating si Jenny.

"Hoy, Amanda loka-loka, anong ginagawa mo dito?"

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon