"S-s-sino ka? Bakit kamukhang-kamukha kita?" nalilitong tanong ni Athena.
"Ako si, A-Althea." sagot ni Althea.
"What? At pati pangalan natin halos magkapareho?" sagot ni Athena.
"Bakit? A-ano bang pangalan mo?" tanong ni Althea.
"Ako si Athena. At bakit magkamukha tayo?" tanong ni Athena.
"Hindi ko alam, hindi kaya, kambal tayo?" nalilitong sagot ni Althea.
"No way! Hindi kita kakambal, at wala akong kapatid. Baka naman, impostora ka, may masama ka bang plano ha?" tanong ni Athena.
"Ano bang nangyayari sayo? Bakit ba ganyan ka mag-isip? Wala akong balak na masama." sagot ni Althea.
"Halika na nga kuya Paeng, sumakay na tayo sa sasakyan. Impostora lang 'yang babaeng 'yan. May binabalak siguro masama 'yan sakin." dagdag pa ni Athena.
Kahit si kuya Paeng ay nagulat sa nangyari.
Pagkatapos ng nangyari ay umuwi si Althea sa kanilang bahay at ikinuwento niya ang nangyari sa daddy niya.
"Daddy! Magsabi ka po ng totoo, please! 'Yung totoo, dad! May sinisikreto ka po ba sa akin?" tanong ni Althea.
"Bakit, anong nangyari, anak?" tanong ni Rod.
"Dad, habang namimili ako kanina, may sasakyang dumaan sa likuran ko, at kamukhang kamukha ko siya! Dad! Tell me the truth! May alam po ba kayo sa nangyayari? Dad! Tell me!" -Althea
"A-a-anak, siguro ito na ang tamang panahon para aminin ko ang lahat sayo. Oo, matagal kong tinago sayo ang sikretong 'to. May kakambal ka anak. Ibinigay ko siya sa iba dahil noong namatay ang nanay mo, hindi ko na kayang tustusan ang pangangailangan niyong dalawa. Kaya ipinamigay ko siya anak. Pasensya ka na kung ngayon ko lang sinasabi 'to anak, sana mapatawad mo ako." paliwanag ni Rod.
"Pero dad, bakit niyo po itinago?" naguguluhang tanong ni Athena.
"Sasabihin ko naman sayo anak nung isang araw e, kaso biglang tumawag si boss. Tapos sasabihin ko na sana pag-uwi ko kaso tulog ka na. Anak pasensya ka na talaga." sagot ni Rod.
"Pero tay, bakit naman po hindi niyo sinabi sa akin noon pa? Tay, may karapatan din po akong malaman 'yan." tanong ni Althea.
"Kasi anak, ayokong mabigla ka." mahinahong sagot ni Rod.
Kahit nalilito, pumasok si Althea sa kaniyang kwarto. Tinawagan niya si Jenny.
"Jenny, may sasabihin ako sayo." -Althea
"Ano 'yun?" tanong naman ni Jenny.
"Jenny, may kakambal ako! Inamin sa akin ni daddy! 'Yun ang dapat na sasabihin niya sa akin na hindi niya masabi-sabi!" sagot ni Althea.
"A-A-ANO? May kakambal ka?" nagulat si Jenny sa sinabi ni Althea.
"Oo, Jenny. May kakambal ako. At 18 years niyang tinago sa akin ang sikreto na 'yon. At ang isa pa, ka-schoolmate natin ang kakambal ko." paliwanag ni Althea.
Halos hindi makapaniwala si Jenny sa mga sinabi ni Althea. Si Athena ang nawawala niyang kapatid!
Biglang pumasok si Rod sa kwarto ni Althea.
"Anak, sasamahan kita sa eskwelahan mo bukas. Gusto kong makita ang kapatid mo. Gusto ko siyang mayakap." -Rod
"Sige po, tay. Sana naman po ay maniwala siya na totoong kakambal niya po ako. Gusto ko na po magkaroon ng kapatid." sagot ni Althea.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...