Chapter 51: May Nagbabalik?

11 2 0
                                    

"Oh my gosh, Althea! Bakit naliligo ka sa pintura? Nakalimutan mo bang maligo kanina or sadyang hindi ka lang talaga naliligo?" pang-aasar ni Amanda.

"Pwede ba, Amanda. Alam mo, dapat ikaw nalang ang binuhusan ng pintura e. Hindi si Althea." sambit ni Jenny.

"Hoy Jenny, pwede bang manahimik ka? Bakit ka ba nakikisali?" galit na sambit ni Amanda.

"Ano, gusto mo nanaman ba ng away?" sambit ni Jenny.

"Oo, sige." at biglang sinampal ni Amanda si Jenny.

Nagkagulo ang mga estudyante at pinagtinginan sina Amanda at Jenny.

Harry's POV

"Ate Amanda nasaan ka na ba?" bulong ni Harry sa sarili.

Naglakad-lakad si Harry. Hindi pa rin niya makita si Amanda. Kaya nagtanong siya sa gwardya kung nakita ba nila si Amanda.

"Uhm, kuya, nakita niyo pa si ate Amanda?" tanong niya sa guard.

"Hindi e. Magtanong-tanong ka nalang din sa mga iba dyan." tugon ng guard.

"Sige po, salamat po." sambit ni Harry.

Patuloy na naglakad si Harry. Hinahanap niya pa rin ang kapatid niyang si Amanda. Nasaan na kaya siya?

Nakita ni Harry na may nagkukumpulan.

"Ano 'yon? Bakit sila nagkukumpulan dito?" tanong ni Harry sa sarili.

Naglakad pa siya nang kaunti. Nakita niya na ang kapatid niya na may kaaway at nagsasabunutan sila nito at halos magpagulong-gulong na sa sahig.

"Ate Amanda!" sigaw ni Harry.

Napalingon si Amanda at nakita niya ang kaniyang kapatid.

"Ate, bakit ka ba nakikipag-away? Magagalit nanaman si mama niyan!" sigaw ni Harry.

"Pwede ba? Umalis ka na diyan! Baka ikaw gulpihin ko!" galit na sigaw ni Amanda.

Tinitigan ni Harry ng mabuti sina Amanda at ang kaaway niya. Mukhang pamilyar ito.

"Bakit ba parang pamilyar ang mukha ng kaaway ni ate?" bulong ni Harry sa sarili.

Hanggang sa naalala na niyang muli ang dahilan kung bakit niya kilala ang kaaway ni Amanda.

"Siya si Jenny. At ang bestfriend niya ay si Althea." bulong ni Harry sa sarili.

Pagkatapos noon ay patuloy pa rin sina Amanda at Jenny sa kanilang sagupaan, kaya naman ay pinigilan ni Harry ang dalawang ito.

"Pwede ba! Huwag na nga kayong mag-away ate! Jenny!" sigaw ni Harry.

"Ate? Anong ate?" sambit ni Jenny.

"Bakit? Nasurprise ka ba, Jenny?" sambit ni Amanda.

"Well, magkapatid kami. Si Harry ang kapatid ko." dagdag pa ni Amanda.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon