"Pwede ba Jenny, manahimik ka na nga! At ikaw Althea, akala ko ba matapang ka? Eh bakit ka nagsumbong sa tatay mo? Hahahaha! Duwag ka pala eh!" -Amanda
"Pwede ba tigilan mo na ang bestfriend ko! Layuan mo na nga kami!" -Jenny
"Fine, lalayo ako. Basta huwag nyo na akong guguluhin!" pagalit na sinabi ni Amanda.
"Grabe naman 'yung Amanda na 'yun. Nakakainis! Hay sana lang huwag na niya tayong guluhin!" -Jenny
"Sana nga, sige halika na mahuhuli na tayo sa klase." -Althea
Amanda's POV
"Hay! Bwisit talaga 'yung babaeng 'yun! Nagsumbong pa sa tatay! Akala ko ba matapang siya? Duwag naman pala." bulong niya sa sarili.
Sakto namang naglalakad si Kate papunta sa direksyon ni Amanda.
Hindi namalayan ni Amanda na may makakabangga na pala siya sa kaniyang harapan.
"Oh my gosh! Ang tanga-tanga mo naman! Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" pagalit na sinabi ni Kate.
"Hoy! Ikaw rin! Hindi ka rin nakatingin! Kaya nga tayo nagbangaan eh dahil hindi tayo natingin sa dinadaanan natin." -Amanda
"Ah, sumasagot ka pa ha!" at isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Kate.
"Ah ganon?" at sinampal din ni Amanda si Kate.
Nagsabunutan ang dalawa hanggang sa magpagulong-gulong sila sa sahig katulad ng nangyari sa pag-aaway nila ni Jenny.
Biglang dumating ang guidance counselor at agad na pinapunta sila sa guidance office.
"Mam! Siya po ang nauna. Inangasan niya ako as if naman na hindi ako papatol." -Amanda
"Hoy babae! Ikaw ang nauna ha! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Nakakagigil ka!" -Kate
"Pwede ba! Magsitigil na nga kayo! Ikaw Amanda ha, nakakarami ka na! Isususpinde na kita! Kayo ni Kate! You two are suspended for 2 days! Tapos ang usapan!" pagalit na sinabi ni Mrs. Delos Santos.
Padabog na lumabas si Amanda ng guidance office. Sakto naman at naroon na ang bestfriend niyang si Wendy.
"Hoy Wendy! Bakit ngayon ka lang pumasok ha?" medyo naiinis na sinabi ni Amanda.
"Sorry bes, nilagnat kasi ako ng tatlong araw eh. Ngayon lang ako medyo naging ok. Kaya ngayon lang ako nakapasok." mahinahon na sinabi ni Wendy.
"Hay nako! Nakakainis! Ang dami kong nakakaaway eh! Hay! Nakakagigil!" pagalit na saad ni Amanda.
Biglang sumingit si Kate.
"Hoy ikaw babae ka ha! Sa susunod kase, tumingin ka sa dinadaanan mo! May mata ka pero ayaw mong gamitin!" pagalit na sinabi ni Kate at tsaka biglang nagwalkout.
"Hala? Sino 'yon? Ang tapang nun ha? Teka nga!" at saka sinundan ni Wendy si Kate.
"Hoy ikaw ha! Huwag mo ngang inaaway ang bestfriend ko! At huwag na huwag mo na kaming guguluhin ha!" pagalit na sinabi ni Wendy.
"Edi sige! Magsama kayo ng bestfriend mong loka-loka!" -Kate
"Ano ba kasing nangyari, Amanda ha?" tanong ni Wendy kay Amanda.
"Ewan ko ba dun, may topak ata. Nabangga ko lang eh inangasan agad ako. As if naman na di ako papatol. Hay." -Amanda
"Hayaan mo na siya. Titigil din 'yan." -Wendy
"Nang dahil sa kaniya, suspended ako ng dalawang araw. Kaya bukas di ako makakapasok." medyo naiinis na sambit ni Amanda.
"Sige bes, ako na bahala. Sasabihin ko nalang sayo kung anong mga assignments at mga dapat gawin." -Wendy
"Sige bes, salamat." -Amanda
Kate's POV
"Haaaay! Nakakainis talaga! Hmph!" bulong niya sa sarili.
"Oh bes, bakit ang tagal tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay." -Athena
"Eh kasi naman, may nakaaway pa ako. Tapos biglang dumating si Mrs. Delos Santos. Ayan, sinuspend kami for two days. Kaya hindi ako makakapasok bukas. Nakakainis e. Ang tapang-tapang akala mo naman kung sino." paliwanag ni Kate.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Athena.
"Oo, ayos lang ako. Halika na at mahuhuli pa tayo sa klase." -Kate
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
De TodoThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...