Makalipas ang isang linggo, inilibing na si Wendy. Hindi pa rin makapaniwala si Amanda na wala na ang kaibigan niya.
"Wendy, ang aga mo naman nawala. Marami pa akong gustong sabihin sayo. Nagbabalak nga akong mag-outing kasama ng mga kaibigan natin. Pero wala, wala kana. Ang bilis mo kaming iniwan. Bakit ganun? Ang unfair talaga ng mundo. Kung sino pa 'yung nagbabagong-buhay, sila pa ang namamatayan. Tapos kung sino pa 'yung may kasalanan, sila pa ang nakakatakas. Bakit ganun Wendy? Pero huwag kang mag-alala. Dahil ipaghihiganti kita. Sisiguraduhin ko na mabubulok 'yang si Raymond sa kulungan. Sisiguraduhin ko na doon na siya mamamatay. Kulang pa sa kaniya ang masunog sa impyerno sa dami ng kasalanan niya at pinatay niyang tao. Wendy, ikaw lang ang bestfriend ko simula noon. Sayang lang talaga at iniwan mo na agad kami. Kung kelan pa tayo nagkaayos nina Althea at Athena, saka ka pa nagkaganito. Wendy, bumangon ka na dyan oh. Naghihintay kami sayo." sambit ni Amanda.
Namimiss ni Amanda si Wendy. Muli niyang inalala ang mga masasayang alaala nila ni Wendy. Naiiyak nanaman siya. Ngunit, may misyon pa siyang kailangang tapusin. Ang ipaghiganti si Wendy kay Raymond.
Kinagabihan, pumunta si Amanda sa bahay nina Althea. Sumakay siya ng taxi upang makarating doon.
Pagbaba niya ng taxi ay parang kinakabahan siya. Parang nakakaramdam siya ng takot.
"Tay, pupunta raw po si Amanda dito." sambit ni Althea.
"Sige, anak. Ipagluluto ko muna kayo ng meryenda para pagdating niya, kakain nalang kayo." sambit ni Rod.
"Sige po, tay, salamat po." tugon ni Althea.
Lumapit si Amanda sa lalaki. Pinagmamasdan nito ang bahay nina Althea.
Hanggang sa...
Hanggang sa lumapit pa si Amanda...
Palapit siya ng palapit sa lalaki...
Palapit ng palapit...
At mas malapit pa...
Hanggang sa...
Hanggang sa parang kilala na niya kung sino iyon...
Si Raymond! Siya si Raymond!
"Raymond? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Amanda.
"Bakit mo tinatanong?" tanong ni Raymond.
"Hayop ka. Minamanmanan mo ang kaibigan ko. Ano, may binabalak ka nanaman bang masama sa kanila?" tanong ni Amanda.
"Oo, kukunin ko sa kanila si Athena. Babawiin ko ang anak ko." sambit ni Raymond.
"No, hindi mo makukuha sa kanila si Athena. Hindi ka magtatagumpay sa mga plano mo!" sambit ni Amanda.
"Pwede ba, ang dami mong satsat! Eh kung patayin nalang kaya kita?" banta ni Raymond.
"Kahit patayin mo ako, hindi mo pa rin makukuha sa kanila si Athena. Sisiguraduhin ko na makakamit ni Wendy ang hustisya sa pagkamatay niya." sambit ni Amanda.
"Ang dami mong satsat! Mamatay ka na!" at itinutok ni Raymond ang baril kay Amanda at pinatay ito.
Nanghihina na si Amanda at patuloy ang pag-agos ng dugo sa kaniyang katawan. Ngunit nagawa pa rin niyang magsalita.
"R-Raymond, h-hindi k-ka m-magtatagumpay s-sa p-plano m-mo! K-kung y-yan a-ang a-akala m-mo, n-nagkakamali k-ka!" nanghihinang sambit ni Amanda.
"Pwede ba? Tumahimik ka na nga lang! Kung hindi ka mananahimik, ako nalang ang magpapatahimik sayo!" at saka muling ipinutok ni Raymond ang baril kay Amanda. Umalis na agad si Raymond sa lugar na iyon upang hindi siya mahuli.
"Daddy, ano 'yon?" naguguluhang tanong ni Althea.
"P-putok ng baril." tugon ni Rod.
"Daddy, halika, lumabas tayo!" sambit ni Althea.
"Anak, huwag na, ako na lang. Baka mapahamak ka pa." sambit ni Rod.
Lumabas si Rod ng kanilang bahay at laking gulat niya nang makita niya si Amanda na duguan at nakahiga sa lupa!
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...