Chapter 5: Goodbye, Maricel

45 3 0
                                    

"Bakit mo kami iniwan? May mga anak ka pa na naghihintay sayo oh, lalaki silang walang nanay kapag nawala ka!" malungkot na saad ni Eliza.

"Maricel, gumising ka! Gumising ka Maricel! Papaano na ang mga apo ko? Paano na? Maricel!!!! Dok! Baka naman pwede nyo pa syang irevive oh! Dok gawin ninyo ang lahat!" pasigaw na sabi ni Nanay Mercy.

"Sorry po, pero we did our best. Siguro po ay hindi na niya talaga kinaya kaya po ganun." sabi ni Dr. Reyes.

"Dok! Magbabayad po kami kahit magkano, basta po buhayin nyo lang po ang anak ko!" nalulungkot na sinabi ni Nanay Mercy.

"Nay, lahat po ng tao ay nakatakdang mamatay, siguro po ay talagang oras na niya ngayon. Hindi po natin hawak ang mga buhay natin." malumanay na sagot ni Dr. Reyes.

Patuloy sa pagtangis si Nanay Mercy pati na rin ang bestfriend ni Maricel na si Eliza. Hindi nila mapigilan na umiyak ng sobra.

"Eh, Dok, kamusta si Rod? Nasaan siya?" sabi ni Nanay Mercy.

"Nay, nandoon po siya sa ICU. Nagpapagaling. Ipanalangin nalang po natin na magising na siya. Huwag po kayo mawawalan ng pag-asa. Dadalhin na po namin sa morgue ang katawan ni Maricel." saad ni Dr. Reyes.

"Sige po, Dok." umiiyak na saad ni Nanay Mercy.

"Tita, huwag po tayong mawawalan ng pag-asa. Magpakatatag po tayo." sabi ni Eliza.

"Ang bilis naman ng mga pangyayari, Eliza. Samantalang kani-kanina lang ay kausap ko pa si Maricel. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya agad ngayon." sabi ni Nanay Mercy.

"Pakatatag po tayo, tita." sabi naman ni Eliza.

Matapos ang bente kwatro oras ay nagising na rin si Rod. Hindi pa sya masyadong magaling pero nagawa niyang magsalita. Sakto naman at nandoon si Nanay Mercy sa tabi niya.

"N-n-nay, nasaan po ako?"

"Iho, nasa ospital ka. Naaksidente kayo kagabi ni Maricel. Bumangga ang sasakyan ninyo sa poste dahil sa truck na nawalan ng preno." sabi ni Nanay Mercy.

"S-s-si Maricel po, nasaan po siya?" sabi ni Rod.

"Iho, huwag kang mabibigla ha." sabi ni Nanay Mercy.

"Bakit po? Anong nangyari sa asawa ko?" sabi ni Rod.

"P-p-patay na siya." malumanay na sagot ni Nanay Mercy.

"A-ANO?!"

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon