"Apo, ako ang lola mo. Ako si Nanay Mercy. Apo, ang tagal-tagal ka naming hinanap! At ngayon, nakita ka na namin!" masayang nagpakilala si Nanay Mercy.
"Sino po ba kayo? Hindi po kayo kaano-ano ng anak ko." sagot ni Letty.
"Kami, kami ang totoo niyang pamilya." sagot ni Nanay Mercy.
"Pwede ho ba, tigilan niyo na ho kami. Kahit ano pong sabihin ninyo, hindi sasama sa inyo ang anak namin." sagot ni Raymond.
"Pero, ako ang lola niya. At si Rod ang totoong tatay niya." sagot ni Nanay Mercy.
"Mawalang-galang na po. Umalis na po kayo kung ayaw ninyo ng gulo." sagot ni Raymond.
Pinuntahan ni Rod sina Raymond at Letty.
"Tol, siya ang nawawala kong anak. Ipinamigay ko siya noong sanggol pa lang siya. Iniwan ko siya sa parke noon. Kayo pala ang nakakuha sa kaniya. Salamat at inalagaan ninyo ang anak ko." tugon ni Rod.
"Hindi mo nga siya anak, anak namin siya." pagtanggi ni Raymond.
"Tol, may pakiusap lang sana ako. Magpapa DNA test kami. Kahit 'yun lang. Pagkatapos noon, hindi na namin kayo guguluhin kung negative ang resulta." sagot ni Rod.
"Hindi kami papayag! Umalis na kayo! Alis!" sigaw ni Raymond.
Napatingin ang ibang mga estudyante sa paaralan. Naroon din si Amanda. Nagulat din siya na may kamukha si Althea.
Nilapitan ni Amanda si Althea.
"Oh, sino 'yon? At bakit kamukhang-kamukha mo?" pang-iinis na tanong ni Amanda.
"Pwede ba, Amanda. Siya ang nawawala kong kakambal. Siya ang kapatid ko." sagot ni Althea.
"Oh my gosh! Para pala akong nanonood ng teleserye! Na nahihiwalay 'yung isa sa magkapatid tapos mahahanap 'yung isa!" pang-iinis ni Amanda.
"Pwede ba, Amanda. Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na nga lang. Nangugulo ka eh." sagot ni Althea.
"Fine." sagot ni Amanda.
Umalis si Amanda at sakto namang dumating si Jenny. Nagkasalubong sila sa daan.
"Oh, ano ka ba naman 'yan Jenny? Aga aga mukha mo agad nakikita ko." naiinis na sinambit ni Amanda.
"Bahala ka dyan. Wala akong time sayo." sagot ni Jenny.
Pagkatapos noon ay pinuntahan ni Jenny si Althea.
"Bes, nasaan na 'yung kakambal mo?" tanong ni Jenny.
"Ayun, kausap ni daddy." sagot ni Althea.
"Grabe! Kamukhang-kamukha mo siya!" sagot ni Jenny.
"Alangan, kambal nga eh." -Althea
"Oh, eh anong plano niyo? Babawiin niyo ba siya?" tanong ni Jenny.
"Hindi ko alam, bes. Plano ni daddy na magpa-DNA test sila. Ewan ko eh pero mukhang ayaw pumayag ng magulang ni Athena." sagot ni Althea.
"Hay nako, friend. Parang hindi na yata kailangan magpa-DNA test eh. Halatang halata naman sa inyo na kambal kayo. At saka diba? Sinabi ng daddy mo na pinamigay niya 'yung kapatid mo noong mga bata pa kayo?" sagot ni Jenny.
"Hindi ko alam eh. Para lang daw makasigurado talaga. Ayaw ibigay ng mga magulang ni Athena si Athena sa amin." sagot ni Althea.
"Siyempre, dahil sila ang nag-alaga kay Athena simula pa noon." sagot ni Jenny.
"Pero paano kaya namin mababawi si Athena sa kanila?" tanong ni Althea.
"Hindi ko alam, bes. Pero alam ko na darating din ang panahon na makakasama niyo rin siya." sagot ni Jenny.
"Salamat, bes." -Althea
Rod's POV
"Sige na! Pumayag na kayo na magpa-DNA test kami! Pagkatapos noon, hindi ko na kayo guguluhin!" sagot ni Rod.
"Hindi kami papayag. Anak namin si Athena! At hindi mo siya makukuha!" sagot ni Letty.
"Pwede ba tol, umalis ka na lang. Nakakaperwisyo ka eh." sagot ni Raymond.
"Kapag napatunayan ko ngang anak ko si Athena, babawiin ko siya sa inyo!" galit na sagot ni Rod.
"Hindi mo makukuha si Athena sa amin! Kapag hindi ka tumigil, ipapakulong ka namin!" galit na sagot ni Letty.
"Hindi ako natatakot sa inyo!" sagot ni Rod.
Ayaw ibigay nina Raymond at Letty si Athena kay Rod. Kahit na alam ng mag-asawa na anak ni Rod si Athena. Ayaw nilang mawalan ng anak. Kaya gagawin nila ang lahat para hindi makuha ni Rod si Athena sa kanila.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
AcakThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...