"Tay, papasok na po ako! Baka po mahuli pa po ako eh." sabi ni Althea.
"O siya, sige anak. Mag-iingat ka ha." sabi ni Rod sa anak.
Hinalikan nito ang anak at saka umalis na ang anak papunta sa eskwelahan.
"Mommy, I need to go to school now, I don't want to be late in my first day." sabi ni Athena sa kaniyang mommy.
"Sige, anak, goodbye!" sabi ng kaniyang mommy Letty.
Unang araw ng pasukan ngayon sa Wendler Institute. Mas maraming estudyante ang nag-enroll ngayon kaysa noong nakaraang taon.
Habang pinagmamasdan niya ang napakagandang eskwelahan, hindi niya namalayan na may nabangga siya.
"Hoy, ano ka ba naman? Tignan mo! Nahulog 'yung cellphone ko nang dahil sayo! Transferee ka pa naman yata. Kaya pwede ba huwag mo akong susubukan ha!" pagalit na sabi ni Amanda kay Althea.
"Pasensya ka na. Sorry kung hindi kita napansin." malumanay na sagot ni Althea.
"Anong pasensya ha? Sa tingin mo ba maaayos ng pasensya mo 'yung cellphone ko? Tumabi ka nga dyan sa dinadaanan ko! Tse!" pagalit na sabi ni Amanda.
"Yabang mo naman." bulong ni Althea sa sarili.
Natatakot si Althea. Unang araw palang niya sa eskwelahan ngayon pero may nakaaway na siya agad. Sana naman ay hindi niya na ulit makasalubong ang bruhang 'yon. Pero mukhang hindi niya ito maiiwasan dahil pareho sila ng building.
"Sana naman ay hindi ko maging kaklase ang bruhang 'yon. Sana lang talaga." bulong niya sa sarili.
Pagkapasok niya ng silid-aralan ay napahinga siya ng maluwag. Mabuti na lamang at hindi niya kaklase ang babaeng 'yon! Haaaaaaay.
Medyo naiihi na si Althea ngunit hindi niya alam kung saan ang palikuran. Kaya naman tinanong niya ang babaeng katabi niya.
"Uhm, excuse me? Nasaan po ba ang banyo dito, ate?"
"Ah, malapit lang. Paglabas mo ng room natin ay maglakad ka lang ng daretso at sa may bandang dulo, doon ang banyo." sabi ng babaeng katabi niya.
"Ah, salamat. Pero gusto lang malaman kung ano ang pangalan mo." sabi ni Althea.
"Ah, ako si Jennifer. Jenny nalang for short." sabi niya.
"Ah, ako naman si Althea. Althea nalang din ang itawag mo sa akin. Nice meeting you Jenny." sabi ni Althea
"Nice meeting you too, Althea." sabi ni Jenny.
-During Breaktime-
Bumili si Althea ng pagkain sa cafeteria at umupo siya sa upuan. Ipinatong niya ang kaniyang mga pagkain sa table.
"Uhm, pwedeng makiupo?" sabi ng babae.
"Oh, Jenny, ikaw pala. Sige umupo ka na." sabi ni Althea.
"Alam mo, Jenny, kanina may nakabangga akong babae. Hindi ko siya nakita kaya ko siya nabangga. Nagcecellphone kasi siya kaya hindi niya rin ako nakita. Ayun, nahulog ang cellphone niya. Nagalit tuloy siya sa akin. Natatakot ako eh. Baka kapag nakasalubong ko nanaman siya, magalit nanaman siya sa akin." saad ni Althea.
"Sinong babae? 'yung may mahabang buhok na nakabanggaan mo kanina? Ah si Amanda. Napakataray nun. Halos lahat ng estudyante dito inaaway niya. Kahit nga ako eh, inaway niya rin." sabi ni Jenny.
"Hay nako, makakahanap rin sya ng katapat niya. Kumain na nga muna tayo." sabi ni Althea.
Masaya si Althea dahil mayroon na siyang kaibigan. Nagkwentuhan sila ni Jenny habang sila ay kumakain. Mabuti na lamang at magkaklase din sila kaya mayroon nang kakampi si Althea sa loob ng classroom.
"Get out of the way!" pagalit na sinabi ni Athena sa mga nakaharang sa dinadaanan niya.
"Ano ba 'yan, Athena? Unang araw palang tinatarayan mo na kami!" sabi ng mga estudyante na nasa may dadaanan ni Athena.
"Shut up! I'm gonna be late in my class, kaya umalis kayo dyan kung ayaw ninyong banggain ko kayong lahat!" pagalit na sinabi ni Athena.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
عشوائيThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...