Althea's POV:
Inutusan ako mamili ni tatay sa palengke, kaya naman ay kinuha ko ang aking bisikleta at nagsimula na akong pumunta sa palengke.
Tumatama sa aking katawan ang sariwang hangin habang pinapadyak ko ang aking mga paa sa bisikleta, at sinimulan ko na ang pamimili.
Pagkatapos kong bumili ay muli kong tinitigan ang aming napakagandang eskwelahan, ang Wendler Institute.
Naiinis lang ako dahil ako ay nasuspinde nang dahil kay Amanda. Pero huwag siyang mag-alala, dahil malapit na rin akong makabalik at humanda siya kapag nakabalik ako dahil ibabalik ko sa kaniya ang mga kasamaang ginawa niya.
Habang pinagmamasdan ko ang kagandahan ng aming eskwelahan, hindi ko namalayan na mayroon palang paparating na sasakyan sa aking likod.
Athena's POV
"Ano ba 'yan, kuya? Paalisin mo nga 'yang babae na 'yan! Nakaharang sya sa gitna ng karsada!" sigaw nito.
"Opo, mam! Papausurin ko na po siya sa gilid." sabi naman ni kuya Paeng na driver nila Athena.
Paeng's POV
"Ah, miss pwede ka po bang umusod kahit saglit? Dadaan po kasi ang sasakyan namin." sabi niya kay Althea habang nakatalikod ito dahil patuloy pa rin niyang pinagmamasdan ang kanilang eskwelahan.
"Po? Kuya nasa gilid naman po ako ah, tsaka kasya naman po 'yung sasakyan ninyo." sabi ni Althea.
"Mam Athena? Bakit nandyan ka? Eh diba nandoon ka sa loob ng sasakyan? Tsaka, bakit iba na agad ang damit mo?" sabi ni Paeng.
"Ho? Kuya nalasing ka po ata?" sabi ni Althea.
"Mam, kung sino ka man po, please igilid niyo po muna ang bisikleta ninyo, magagalit po ang amo ko, ayoko po syang bumaba ng sasakyan at siya mismo ang magpagilid sa inyo. Mataray po siya." sabi ni Paeng.
Di nga nagtagal ay biglang bumaba si Athena ng sasakyan at medyo naiinis na siya dahil ang tagal gumilid ng babae.
"Ano ba 'yan, kuya? Bakit ba ang tagal tagal mong pausurin 'yang pesteng babae na 'yan ha? Pauusurin mo lang 'di mo pa magawa!" pagalit na sigaw ni Athena.
Napalingon si Althea kay Athena. Nanlaki ang mga mata ni Althea nang makita niya na pareho ang mukha nila ni Athena.
----------
Noong 2001...
Masayang-masaya ang mag-asawang Rodolfo at Maricel, dahil sila ay malapit na magkaroon ng anak. Kaya ay nagkaroon sila ng isang baby shower upang i-celebrate ang kanyang nalalapit na panganganak sa kanilang unang anak.
"Uy, bes. Congrats sa inyo ha, natutuwa ako sa inyo na magkakaanak na kayo, kambal pa!" sabi naman ni Eliza na bestfriend ni Maricel.
"Salamat ha, bestfriend talaga kita! Hahahahaha! Napakasupportive mo!" sabi naman ni Maricel.
Maraming taong dumating ng araw na iyon. Mga kaibigan, kakilala, kamag-anak, at mga katrabaho. Marami ring nagdala ng regalo para sa kanilang magiging anak. Babae ang magiging kambal nila. Maraming tao ang dumalaw sa kanilang isinagawang baby shower. Masyadong nakakapagod ang araw na iyon. Masayang-masaya ang kanilang kalooban dahil malapit na sila magkaroon ng anak.
Kinagabihan, binuksan nina Maricel at Rod ang mga natanggap nilang mga regalo. Ang dami ng mga regalong kanilang binuksan. May mga damit, laruan, at iba't ibang kagamitan ng sanggol.
"Rod, ang dami naman nito. Nakakapagod." sambit ni Maricel.
"Oo nga. Siguro bukas nalang natin buksan 'yung iba." sambit ni Rod.
"Oh, Maricel, umupo ka na muna. Huwag ka munang masyadong magpagod at malapit ka nang manganak." sambit ni Nanay Mercy.
"Opo, Inang." tugon ni Maricel.
Umupo muna saglit si Maricel sa sofa at parang may napansin siyang mali sa kaniyang pakiramdam.
Manganganak na siya!
Kaya kaagad siyang sumigaw upang madala na siya sa ospital.
"ROD, NANAY MERCY!!!! MANGANGANAK NA PO AKO!!!! DALHIN NIYO NA PO AKO SA OSPITAL!!!!" malakas na sigaw ni Maricel.
Kaagad na narinig nina Rod at Nanay Mercy ang sigaw ni Maricel kaya naman ay dali-dali silang bumaba at inalalayan si Maricel.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
De TodoThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...