"Uhm, Justine, babe, siya si Althea. Kakambal ko siya." sambit ni Athena.
"Babe? Boyfriend mo siya?" naguguluhang tanong ni Althea.
"Oo. Boyfriend ko siya." tugon ni Athena.
"Ah." tugon ni Althea.
Pagkatapos noon ay umalis na sina Athena at Justine. Sakto namang bumalik na si Jenny.
"Jenny, may sasabihin ako sayo." sambit ni Althea.
"Ano naman 'yun?" tanong ni Jenny.
"Si Athena. May boyfriend." tugon ni Althea.
"Oh, eh ano namang problema dun?" tanong ni Jenny.
"Bakit ganun, hindi siya nagkukwento sa amin. Wala siyang sinasabi na kahit ano. Nakakapagtaka lang naman." tugon ni Althea.
"Hay nako, hindi ko rin alam. Halika na nga, magreview na tayo. May exam pa tayo." sambit ni Jenny.
Pagkatapos ng klase nina Althea at Jenny ay nagpunta sila sa locker room. As usual, naroon nanaman si Amanda.
"Oh, Althea. Kamusta ka naman?" pang-aasar na tanong ni Amanda.
"Pwede ba Amanda, tigilan mo kami. Wala kaming time na makipag-away sayo." tugon ni Althea.
"Well, wala rin akong time para, makipag-away din sa inyo. Kinakamusta lang naman kita, ano bang problema dun?" pang-aasar na sambit ni Amanda.
"Kasi naman, 'yung boses mo, parang nang-aasar." tugon ni Jenny.
Bigla namang nagsisisigaw si Athena habang papunta kay Althea.
"ALTHEAAAA!" sigaw ni Athena.
"Ano ka ba naman, Athena? Bakit ka ba sumisigaw?" tanong ni Jenny.
"Althea. Halika nga dito!" sigaw ni Athena.
"Ano ka ba naman Athena, ano bang problema?" naguguluhang tanong ni Althea.
"Anong problema? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Malandi kang babae ka! Bakit mo nilalapitan ang boyfriend ko?" galit na sambit ni Athena.
"Huh? Eh hindi ko naman alam na boyfriend mo sya eh! Tsaka, napagkamalan lang naman niya na ikaw ay ako." paliwanag ni Althea.
"Kapag nakita ko sa susunod na magkasama kayo, humanda ka sa akin!" galit na sambit ni Athena.
Pagkatapos noon ay biglang nagwalkout si Athena kasama si Kate.
Kate's POV
"Bes, grabe ka naman sa kapatid mo, bakit mo naman siya pinahiya?" tanong ni Kate.
"Nakakainis kasi siya, eh. Bakit niya kasi kasama si Justine?" tanong ni Athena.
"Bes, malamang, hindi alam ng jowa mo na may kakambal ka pala. Kaya siguro, nagkamali lang siya. Akala niya siguro na si Althea ay ikaw." paliwanag ni Kate.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
De TodoThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...