"Please lang, DNA test lang naman ang gusto ko eh. Pagkatapos nun, hindi ko na kayo guguluhin." sagot ni Rod.
"Hindi kami papayag." diretsong sagot ni Raymond.
"Umalis ka na!" pasigaw na sinabi ni Letty.
"Babalikan ko kayo!" galit na sigaw ni Rod.
Pinuntahan ni Rod si Althea.
"Daddy, ano pong nangyayari?" tanong ni Althea.
"Anak, ayaw nila pumayag na magpa-DNA test kami ni Athena. Sinabi ko sa kanila na titigilan ko na sila pagkatapos noon, pero ayaw pa rin nila." paliwanag ni Rod.
"Papaano na pong gagawin natin?" tanong ni Althea.
"Hindi ko alam, anak. Iisip ako ng paraan. Sigurado naman akong magiging positive ang resulta ng DNA test eh." sagot ni Rod.
"Sige po, tay." sagot ni Althea.
"Uuwi muna kami ni Inang, susunduin ka namin mamaya." pagpapaalam ni Rod kay Althea.
"Sige po." sagot ni Althea.
Pagkatapos noon ay umuwi na sina Rod at Nanay Mercy. Ikinuwento rin nila ang nangyari kay Eliza.
Eliza's POV
"Papaano natin kukunin si Athena sa kanila?" tanong ni Eliza.
"Hindi ko alam, Eliza. Kailangan nating mag-isip ng paraan." tugon ni Rod.
"Gagawin natin ang lahat para lang makasama natin ulit ang apo ko." tugon ni Nanay Mercy.
Hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa isipan ni Rod.
"Mamayang uwian, susunduin natin si Althea. At kukunin rin natin si Athena. Magpapa-DNA test kami." sagot ni Rod.
"Ano? Baka naman mapahamak ka niyan?" tugon ni Nanay Mercy.
"Inang, akala ko po ba gagawin natin ang lahat para makuha natin si Athena?" tanong ni Rod.
"Sige na nga. Basta kasama ako sa plano mo ha." sagot ni Nanay Mercy.
"Ako rin, sasama rin ako." tugon ni Eliza.
"Sige."
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...