Chapter 60: Kaguluhan

16 1 0
                                    

"Huh? Anong boba?" nalilitong tanong ni Althea.

"Ikaw, boba kang uto-uto ka. Kala mo naman talaga, hihingi ako ng tawad sayo 'no? Girls! Akin na ang pintura!" sambit ni Athena.

Ibubuhos na sana ni Athena ang pintura kay Althea. Ngunit bago pa man niya maibuhos ay itinulak ni Althea si Athena kaya't natumba siya. Siya naman ngayon ang naliligo sa pintura.

"Oh my gosh! Althea hayop ka!" sinabunutan ni Athena si Althea. Gigil na gigil ito.

"Pwede ba, Athena! Akala ko ba humihingi ka ng tawad sa mga kasalanan mo? Pero bakit ngayon gumagawa ka nanaman ng kasalanan? Athena, pagod na pagod na ako sa mga pakulo mo! Hindi na nakakatuwa!" sigaw ni Althea.

"Bakit, akala mo ba ikaw nakakatuwa ka? Ha? Alam mo kasi, masyado kang paepal! Kaya kami nag-aaway ng jowa ko nang dahil sayo! Kaya dapat mawala ka na!" sigaw ni Athena.

"Ano? Anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo ako? Ha?" sigaw ni Althea.

"Kung kinakailangan, oo." sambit ni Athena.

Biglang kinuha ni Athena ang baril sa katabi niyang security guard.

"Ano?! Gusto mo patayin na kita?" galit na sigaw ni Athena.

"Athena, please. Magkapatid tayo kaya dapat hindi tayo nagkakaganito." sambit ni Althea.

"Ma'am, akin na po 'yang baril ko." sambit ng security guard.

"Hindi kuya! Gusto mo sayo ko 'to iputok?" galit na sigaw ni Athena.

"Ma'am." sambit ni kuya guard.

"Ano Althea! Gusto mo patahimikin na kita ha?!" sigaw ni Athena.

"Please, huwag." sambit ni Althea.

"Hindi ko kaya. Hindi ko kaya." sambit ni Athena.

"Hindi ko kayang patayin ang sarili kong kapatid." dagdag pa ni Athena.

Sa sobrang taranta ay nabitawan ni Athena ang baril at hindi niya naituloy ang pagpatay sa sarili niyang kapatid.

"Sorry, kapatid ko. Pero, hindi kita kayang patayin. Sorry." sambit ni Athena.

--Sa kulungan--

"Ayoko na dito. Ang init-init." sambit ni Raymond sa mga kasama niyang preso.

"Kaya nga. Kailangan nating makahanap ng paraan para makaalis." sambit ng isa pang preso.

Sakto naman at walang pulis na nagbabantay sa kanila. Pinagmasdan ni Raymond ang paligid. Baka sakaling makakita siya ng bagay na pwede nilang gamitin upang makatakas.

Luminga-linga siya...

Nanlaki ang mga mata ni Raymond...

Paano kasi...

Mukhang nakakita na siya ng paraan!

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon