Chapter 67: Raymond's Revenge

20 3 0
                                    

"Aha, nagluluksa pa kayo dyan ha. Sige, kapag hindi ninyo ibinigay sa akin si Athena, kayo naman ang susunod na paglalamayan." bulong ni Raymond sa sarili at ngumiti ng nakakaloko.

"Bes, nga pala, mamayang gabi, aalis na kami. Ayaw na namin masangkot sa gulo. Pupunta na kami sa Batangas. Kasama namin sina Athena at Nanay Mercy." paliwanag ni Althea kay Jenny.

"Oo, bes. Naiintindihan ko kung bakit kailangan ninyong tumakas. Para rin ito sa ikabubuti at ikaliligtas ninyo. Bes, mag-iingat kayo ha. Mamayang gabi dadalaw kami sa bahay ninyo bago kayo umalis." sambit ni Jenny.

"Alam ninyo, Jenny, Althea, sobra na talaga ang kasamaan ni Raymond. Sukdulan na siya. Alam niyo, magandang ideya 'yan na umalis na kayo dito. Lalo lang niya kayong guguluhin kapag nanatili pa kayo dito. At saka, napagdesisyunan ko na rin na dumalaw mamaya sa bahay ninyo kasama ni Jenny." sambit ni Harry.

"Huh, akala ninyo makakatakas kayo ha, alam ko na lahat ng plano ninyo. Kailangan ko nalang kayong paghandaan." bulong ni Raymond sa sarili.

Pagkatapos noon ay napagdesisyunan ni Raymond na pumunta sa bahay nila. Kakamustahin niya si Letty at sasabihing malaya na siya. Kailangan lang niyang bawiin si Athena mula kay Rod.

Sumakay na si Raymond sa sasakyan at tinahak ang daan patungo sa bahay nila.

"Letty, malaya na ako. Kailangan na nating bawiin si Athena." bulong ni Raymond sa sarili habang nagmamaneho ng sasakyan.

Makalipas ang dalawampung minuto, narating na rin sa wakas ni Raymond ang bahay nila. Sakto namang naroon si Letty.

Kumatok si Raymond sa pintuan at pinagbuksan siya ni Letty.

"Raymond? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakatakas?" naguguluhang tanong ni Letty.

"Simple lang, Letty, ako lang naman ang dahilan kung bakit nagkagulo sa kulungan noong isang araw." sambit ni Raymond.

"Pero, Raymond, hindi mo naman kailangang tumakas, mapapahamak ka lang." sambit ni Letty.

"Letty, gusto ko na ring tumakas, dahil ayoko na sa mainit na kulungan na 'yon. At nandito ako upang maghiganti kay Rod at para mabawi natin si Athena." sambit ni Raymond.

"Pero, Raymond, nangako naman ako sayo na ako na mismo ang maghihiganti sa kanila? Diba sinabi ko na ako nalang ang kukuha kay Athena?" tanong ni Letty.

"Pero hindi mo ako sinusunod, hinayaan mong makuha ni Rod si Athena. Hindi mo ako tinutulungan!" sambit ni Raymond.

"Dahil Raymond, sila ang totoong pamilya ni Athena, kaya mas karapat-dapat na maging magulang si Rod kaysa sa atin!" sambit ni Letty.

"Ano, Letty, bumabaligtad ka na? Akala ko ba magkakampi tayo? Bakit ngayon sa kanila ka na kumakampi?" tanong ni Raymond.

"Dahil iyon ang mabuti. Ayokong makulong na kagaya mo. Kahit nga ako minsan, ikinahihiya kita dahil mayroon akong asawang mamamatay-tao." sambit ni Letty.

Itinutok ni Raymond ang baril kay Letty at pinagbantaan ito.

"Ano, Letty?! Akala ko ba magkakampi tayo? Akala ko ba tutulungan mo ako?! Bakit ngayon bumabaligtad ka na? Alam mo, traydor ka. Traydor ka. Traydor ka!!!" at saka kinalabit ni Raymond ang baril at nabaril niya si Letty.

"Hayop ka, Raymond. Sisiguraduhin kong babalik sayo ang lahat ng ginawa mong kasamaan. Kung iniisip mo na makukuha mo si Athena, nagkakamali ka." nanghihinang sambit ni Letty.

"Sorry! Hindi ko sinasadyang mabaril ka! Letty!" sigaw ni Raymond.

"Magbabayad ka." sambit ni Letty at pagkatapos noon, binawian na siya ng buhay.

"Hayop ka Rod, nang dahil sayo, nakakapatay ako ng tao!" sambit ni Raymond.

Kinagabihan, nagpunta sina Jenny, Harry, Kate, at Patricia sa bahay nila Althea at Athena. Nag-eempake na sila ng kanilang gamit. Naalala ni Raymond na ngayong gabi na nga pala sila tatakas kaya naman ay pinuntahan niya ito sa kanilang bahay.

"Akala niyo, matatakasan niyo ako?" bulong ni Raymond sa sarili.

"Tignan lang natin kung makakatakas pa kayo sa gagawin ko." bulong niya sa sarili.

Makalipas ang isang oras ay tuluyan nang nakapag-empake sina Rod, Althea, Athena, at Nanay Mercy ng kanilang mga gamit. Aalis na sila. Pero bago ang lahat, nagpaalam muna sila kina Jenny, Harry, Kate, at Patricia.

"Bes, salamat sa inyo ha. Harry, salamat din." sambit ni Althea.

"Walang anuman." sambit nina Harry at Jenny.

"Pasensya na kayo dahil kailangan na naming tumakas dito. Dahil kung hindi, baka pati kami mamatay." sambit ni Athena.

"Mag-iingat kayo ha." sambit ni Rod.

"Opo. Mag-iingat po kami." sambit ni Patricia.

"Athena, bes, mag-iingat rin kayo ha." sambit ni Kate.

"Oo naman, Kate. O siya sige, pasensya na kayo at kailangan na talaga naming umalis." tugon ni Athena.

"Sige." sambit ni Kate.

Nagsimula nang maglakad sina Rod, Althea, Athena, at Nanay Mercy papunta sa kanilang sasakyan. Ngunit bago pa man nila magawa iyon, isang malakas na putok ng baril ang kanilang narinig.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon