Chapter 16: Pag-Amin

29 2 0
                                    

"Pwede ba, ayoko ng away." -Kate

"Bakit? Wala akong panahong makipag-away sayo. Mahuhuli na rin ako sa klase ko no." medyo pagalit na sinabi ni Amanda.

"Fine" bulong ni Kate sa sarili.

Pagkatapos noon ay nagpunta na si Kate sa kanilang classroom. Sumunod roon si Athena. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ni Athena si Justine.

"Ano bes, iniisip mo pa rin ba 'yung Justine na 'yon?" tanong ni Kate.

"Oo eh." sagot ni Athena.

"Mayghad, Athena! Bakit iniisip mo ba na magiging kayo? Jusko! Napakaliit ng chance na mangyari 'yon!" -Kate

"Hoy, Kate, ano ka ba? Diba bestfriend kita? So dapat maging supportive ka sakin, 'di 'yung ganyan ka pa. Hays. Kapag naging kami 'hu u' ka sakin!" medyo naiinis na sinagot ni Athena.

"Okay, sorry naman." -Kate

Pagkatapos ng kanilang eskwela, umuwi na sila sa kani-kaniyang bahay.

"Bes, bukas ulit." pagpapaalam ni Jenny.

"Sige bes, bye!" pagpapaalam ni Althea.

Pagkauwi ni Althea sa bahay ay sinalubong siya ng kaniyang ama.

"Oh anak, kamusta eskwela?" tanong ni Rod.

"Ayos lang po, tay." sagot ni Althea.

"Magbihis ka na anak. Pagkatapos ay kumain tayo, at gawin mo na rin ang mga assignments mo." -Rod

"Opo tay, sige po." sagot ni Athena.

Pagkatapos magbihis ni Athena ay pumunta siya sa hapag-kainan. Ipinagluto siya ng kaniyang tatay ng paborito niyang sinigang.

Gustong-gusto nang sabihin ni Rod ang totoo. Mukhang handa na siya. Sasabihin na niya ang totoo sa kaniyang anak. Hindi na niya kaya pang itago ang sikretong matagal na panahon na niyang itinago. At tsaka isa pa, karapatan din ni Althea na malaman kung ano ang katotohanan.

"Anak, may sasabihin ako sa iyo. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo..." -Rod

"Ano po iyon, itay?" sagot ni Althea.

"Anak, kasi..." sambit ni Rod.

"Ano po ba 'yun, tay?" tanong ni Althea.

"Anak, mayroon kang..."

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon