Chapter 17: Muntikang Pag-Amin

23 1 0
                                    

Biglang may tumawag kay Rod.

"Boss, ano po 'yon?" tanong ni Rod.

"Halika, may ipapagawa ako sa iyo dito sa opisina. Pasensya ka na, biglaan eh." sagot ng boss niya.

"Sige po, boss. Pupunta na po ako diyan." sagot ni Rod.

Ibinaba ni Rod ang telepono.

"Anak, pasensya ka na ha. Kailangan ko munang pumunta sa opisina. May biglaan akong lakad. Importante." pagpapaalam ni Rod sa kaniyang anak.

Pinuntahan niya si Nanay Mercy upang makapagpaalam.

"Inang, aalis po muna ako. May kailangan po akong gawin sa opisina. Nagyon lang po ako tinawagan ng boss ko. Importante daw po." pagpapaalam ni Rod kay Nanay Mercy.

"Sige iho, mag-iingat ka." sambit ni Nanay Mercy.

Napaisip si Althea. Ano naman kaya ang sasabihin sa kaniya ng tatay niya?

Ipinagwalang-bahala niya muna iyon. Tinapos niya muna ang kinakain niya at tumungo siya sa kwarto upang tapusin ang kanyang mga takdang-aralin.

Habang gumagawa si Althea ng kanyang takdang-aralin ay biglang tumawag si Jenny.

"Bes, anong ginagawa mo?" tanong ni Jenny.

"Gagawa na sana ako ng assignment bes, e." sagot ni Althea.

"Bes, punta ako dyan sa bahay ninyo. Hindi ako makapag-focus dito eh. Siguro dyan muna ako mag-aaral saglit. Tsaka pumayag na naman sina mommy at daddy, e." sagot ni Jenny.

"Ayos lang ba kung pumunta ako dyan?" dagdag pa ni Jenny.

"Wait lang bes, ipapaalam ko muna kay daddy. Paalis kasi siya eh." sagot ni Althea kay Jenny.

"Daddy! Daddy!" sigaw ni Althea.

"Bakit, anak?" tanong ni Rod sa anak.

"Uhm, Dad, ask ko lang po sana kung pupwedeng pumunta dito si Jenny, magrereview po kasi kami e, tsaka daddy nabobored po ako. Wala po ako masyadong magawa dito sa bahay." pagpapaalam ni Althea.

"Oo naman, anak. Pumapayag ako." sagot ng kaniyang daddy.

"Thank you, daddy. Mwah!" -Althea

"O siya sige anak, aalis na muna ako. May gagawin lang trabaho si papa ha?" sagot ng kaniyang ama.

"Sige po." -Althea

"Oh, Jenny! Pumayag na si daddy, pwede ka raw pumunta dito." sabi ni Althea kay Jenny.

"Sige, salamat bes. Papunta na 'ko dyan. Mga 15 minutes." pagpapaalam ni Jenny kay Althea.

"Sige bes, hintayin kita." -Althea

Makalipas ang labinlimang minuto. Dumating na nga si Jenny sa bahay nina Althea.

"Magandang gabi po, Nanay Mercy!" bati ni Jenny kay Nanay Mercy.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon