Pagkatapos kumain ni Althea, kaagad na siyang tumungo sa kwarto niya. Nagtaka siya dahil parang may kakaiba sa kwarto niya.
"Bakit parang may kakaiba sa kwarto ko? Ah luminis! Sino kayang naglinis nito?" tanong ni Althea sa sarili.
Lumabas siya ng kwarto.
Itinanong niya kung sino ang naglinis ng kwarto niya.
"Tay, sino pong naglinis ng kwarto ko?" tanong ni Althea.
"Ako anak. Napansin ko kasi na matagal nang hindi nalilinisan ang kwarto mo eh. Kaya ayan inayos ko ang mga pwesto ng cabinet at higaan mo."
"Salamat po, tay." sabay yakap ni Althea sa kanyang ama.
Lingid sa kaalaman ni Althea na ang photo album na nakita ni Rod ay nilipat sa ibang pwesto na hindi makikita ni Althea. Hindi pa rin mapakali si Rod. Gustong gusto na niyang sabihin sa anak ang sikretong itinago siya sa matagal na panahon. Ngunit hindi pa siya handa. Dapat ay humanap muna siya ng ibang pagkakataon. Hindi pa ito ang tamang panahon.
"Inang, gustong-gusto ko na pong sabihin ang sikreto ko, pero hindi pa po ako handa. Gustong gusto ko na pong sabihin ang totoo kay Althea pero hindi ko po magawa." sinabi ni Rod kay Nanay Mercy.
"Hayaan mo iho, take your time. Kung hindi ka pa handa, huwag muna. Baka mabigla naman ang anak mo. Hintayin mo muna ang tamang panahon at kapag handa ka na, saka mo sabihin sa kaniya." sagot ni Nanay Mercy.
"Sige po, Inang. Hihintayin ko nalang po ang tamang panahon." -Rod
Kinabukasan, hinatid muli ni Rod si Althea papuntang eskwelahan.
"Anak, mag-aaral kang mabuti ha, 'wag kang makikipag-away ha!" sinabi ni Rod kay Althea.
"Opo, tay! Sige po. Papasok na po ako sa classroom." pagpapaalam ni Althea kay Rod.
Athena's POV
"Bye, mommy! Late na po ako sa klass ko!" pagpapaalam ni Athena sa kanyang mommy Letty.
"Sige anak, mag-aral ng mabuti ha!" -Letty
Nagmamadali si Athena na pumunta sa kanyang classroom. Late na late na siya. Habang siya ay tumatakbo ay aksidente niyang nabangga ang isang lalaking estudyante. Nahulog ang mga librong bitbit ni Athena.
"Ay miss, Sorry, pasensya ka na. Tutulungan na kitang pulutin yung gamit mo." sagot ng isang lalaki.
"S-s-salamat." sagot ni Athena.
Hindi maipaliwanag ni Athena ang kaniyang nararamdaman. Na-love at first sight ba siya?
Gustong-gusto niyang tanungin kung anong pangalan ng lalaki. Pero nahihiya siya.
Naglakad na ang lalaki paalis. Hindi niya napansin na nahulog niya ang kaniyang bracelet.
Pupuntahan sana ni Athena ang lalaki subalit wala na ito. Gusto niyang isauli ang bracelet sa may-ari. Dahil hindi niya na makita ang lalaki, itinago niya muna ito sa kaniyang bag. Saka nalang niya ito ibabalik kapag nakita na niya ang lalaking iyon ulit.
Pumunta na si Athena sa kanyang classroom. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaki.
Pagkatapos ng kanilang klase, pumunta siya sa canteen. Kasama niya ang bestfriend niyang si Kate. Nakita niyang muli ang lalaking nakabangaan niya kanina.
"Bes, nakikita mo 'yung lalaking 'yun?" ginamit pa ni Athena ang nguso para ituro ang lalaki.
"Oh bakit naman? Crush mo?" tanong ni Kate.
"Baliw! Nahulog niya 'yung bracelet niya. Isasauli ko na sa kaniya. Baka hinahanap na niya eh." -Athena
Justine's POV
"Nasaan na ba 'yung bracelet ko? Nawawala! Mga bro nakita nyo ba?" -Justine
"Saan mo ba nilagay?" tanong ni Andrew.
"Hindi ko nga alam eh. Suot ko lang kanina 'yun." sagot ni Justine.
Narinig ni Athena na hinahanap ni Justine ang kanyang bracelet. Kaya naman ay kaagad niyang isinauli ito.
"Uhm, excuse me? Eto yata 'yung hinahanap mong bracelet, nahulog kanina nung nabangga kita. Hahabulin sana kita kaso hindi na kita nakita." -Athena
"Salamat, miss." pagpapasalamat ni Justine.
"Uhm, ano nga palang pangalan mo?" -Athena.
"Justine ang pangalan ko, ikaw?" -Justine
"Ako si Athena. Nice meeting you Justine." sagot ni Athena.
Pagkatapos noon ay bumalik na siya sa kanyang upuan at ikinuwento niya ito kay Kate.
"Mayghad, Kate! Justine pala ang pangalan nya!" bulong niya kay Kate.
"So, crush mo nga?" tanong ni Kate.
"Di ko alam eh, pero parang ganun na nga. Parang love at first sight." sagot ni Athena.
"Ang landi mo naman, bes. Sige na tapusin mo na 'yang kinakain mo at nang makapunta na tayo sa susunod nating klase." -Kate
Pagkatapos kumain nina Kate at Athena ay napagdesisyunan na nilang magpunta sa kanilang classroom.
"Ay bes, punta na tayo sa classroom?" tanong ni Kate.
"Wait lang bes, naiihi ako. Mauna kana. Mag-CCR lang muna ako." -Athena
"Sige." sambit ni Kate.
Habang naglalakad si Kate papunta sa kanilang classroom ay nakasalubong niya si Amanda.
"Ikaw nanaman?" tanong ni Amanda.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...