Pagkauwi ni Rod ay kaagad niyang hinanap ang photo album nina Althea at Angela. Naluha siya.
"Anak, Angela, alam ko na hindi mo pa tanggap ngayon na ako talaga ang totoo mong tatay, pero alam ko na darating ang panahon na makakasama ka na namin dito sa bahay. Patutunayan ko sayo na anak talaga kita." bulong ni Rod sa sarili.
Hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa isipan ni Rod.
Magpapa DNA test sila ni Athena.
Ngunit humingi muna siya ng permiso mula kay Nanay Mercy.
"Inang, nahanap ko na po ang nawawalang anak ko. Ang kakambal ni Althea, si Angela." kuwento ni Rod.
"Ano? Nahanap mo na ang apo ko? Saan?" tanong ni Nanay Mercy.
"Sa eskwelahan po nina Althea. Magkapareho po sila ng eskuwelahan." sagot ni Rod.
"A-ano?! Totoo ba 'yang sinasabi mo? Nahanap mo ang apo ko?" paninigurado ni Nanay Mercy.
"Opo inang, bukas po kakausapin ko po ulit siya sa eskwelahan ni Althea." sagot ni Rod.
"Sige, sasama ako. Gusto kong makita at mayakap ulit ang apo ko." tugon ni Nanay Mercy.
Pagkauwi ni Althea sa bahay nila ay kaagad siyang sinalubong ng kaniyang tatay.
"Anak, kamusta ka na?" tanong ni Rod.
"Ayos lang po, tay." sagot ni Althea.
"Anak, magpapa DNA test kami ni Angela. Para masiguro natin na totoo ko siyang anak." tugon ni Rod.
"S-s-sige po." sagot ni Althea.
Athena's POV
"Mommy! Daddy! May kakambal po ako! At kanina po, sinabi ng tatay niya na siya daw po ang totoo kong tatay!" sigaw ni Athena.
"A-ano? Totoo ba 'yan anak?" tanong ni Raymond.
"Opo, daddy. Ayaw ko pong maniwala sa kaniya. Alam ko naman po na kayo ang totoo kong magulang. Kaya hindi po ako sasama sa kanila." sagot ni Athena.
Nagkatinginan ang mag-asawang Raymond at Letty. Hindi nila alam kung anong sasabihin sa anak.
"Dapat lang 'yun anak. Huwag kang maniniwala sa kanila. Kami lang ang totoo mong magulang." sambit ni Letty.
"Sige po, mommy." sambit ni Athena.
"Bukas, sasamahan kita sa school mo, at kakausapin natin 'yung magulang ng nagsasabing kakambal mo." sagot ni Raymond.
Kinabukasan, nagpunta sina Rod at Nanay Mercy sa eskwelahan ni Althea. Naroon din ang mga magulang ni Athena.
"Inang, ayun po ang kakambal ni Althea, si Angela." -Rod
Sa sobrang galak ni Nanay Mercy ay bigla niyang pinuntahan si Angela. Niyakap niya ito ng mahigpit. Masayang masaya siya na muli niyang nakita ang kaniyang apo.
"Apo ko! Kay tagal ka naming hinanap! Kay tagal ka naming hinintay na makita ulit! Sa wakas!
"S-sino po ba kayo?" tanong ni Athena.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...