Chapter 2: Pagsilang Sa Kambal

56 3 0
                                    

Habang nasa ospital sina Rod at Nanay Mercy ay hinihintay nila na matapos manganak si Maricel. Pagkatapos ng ilang minuto, sa wakas! Nailuwal na niya ang kambal!

Masayang-masaya ang kanilang kalooban lalong-lalo na si Maricel. Kahit na ay hirap na hirap siya sa panganganak ay nawala naman ang lahat ng hirap na nararamdaman niya nang makita ang kanyang kambal. Pinangalanan niya itong Althea at Angela.

Walang mapagsidlan ng saya ang mag-asawang Rod at Maricel, pati na rin si Nanay Mercy.

Nabalitaan ito ng kanilang mga kaibigan, kamag-anak, katrabaho, at mga kakilala na nanganak na si Maricel kaya naman ay natuwa sila nang makita ang anak nito na kambal.

"Ang cucute naman ng mga anak mo." sambit ni Eliza.

"Salamat bes ha. Alam mo, ang hirap palang manganak. Pero lahat ng paghihirap na 'yun, mapapawi kapag nakita mo na ang mga anak mo." sambit ni Maricel.

"Oo nga naman. Kaya nga nandito ako eh para may katulong ka sa pagbabantay sa mga anak mo." sambit ni Eliza.

"Salamat bes ha. Kasi tinutulungan mo ako. Kaya nga naging bestfriend kita eh! Hahahahaha!" sambit ni Maricel.

"Oo naman, basta ikaw." sambit ni Eliza.

Pumasok si Rod sa kwarto ni Maricel at nakita ang kaniyang mag-iina.

"Ang kukyut naman ng mga batang ito. Manang-mana sa tatay." sambit ni Rod.

"Huy, sa akin nagmana 'yang mga anak natin ano, magaganda. Hahahahaha!" sambit ni Maricel.

"Hay nako, Maricel. Magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala kina baby Althea at baby Angela ha." sambit ni Eliza.

"Eliza, salamat ha. May katulong na si Maricel sa pagbabantay bukod kay Nanay Mercy." sambit ni Rod.

"Okay lang 'yun, Rod. Kaibigan ko naman kayo eh." sambit ni Eliza.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon