Chapter 19: Muling Pagkikita

26 1 0
                                    

Pagkauwi ni Rod ay nadatnan niya ang kaniyang anak na tulog na. Kaya naman ay hindi na niya inistorbo ito. Hindi na tuloy niya nasabi ang dapat na sasabihing katotohanan sa anak.

Kinabukasan, nagising muli si Althea upang pumasok sa paaralan. Siya ay tumungo sa hapag-kainan upang kumain.

"Tay, magandang umaga po." bati ni Althea sa kaniyang tatay.

"Magandang umaga din, anak." bati ni Rod sa kanyang anak.

Tila nakalimutan ni Rod ang kaniyang sasabihin sa anak.

Pagkatapos kumain ni Althea ay nag-ayos na siya ng gamit at pumunta na siya sa paaralan. Hinatid siyang muli ni Rod.

"Oh, anak. Mag-iingat ka ha." -Rod

"Opo, tay. Sige po. Kayo rin po mag-iingat." pagpapaalam ni Althea

Pagkapasok niya ng kanilang eskuwelahan ay nakita niya si Jenny.

"Uy, bes! O ano, nasabi na ba sayo ng tatay mo ang dapat niyang sabihin?" tanong ni Jenny.

"Hindi pa nga eh, nakalimutan ko rin kasi itanong kanina." sagot ni Althea.

"Hay nako, o siya sige, halika na. Mahuhuli pa tayo sa klase." sagot ni Jenny.

Athena's POV

Habang naglalakad si Athena papunta sa kaniyang classroom kasama ang kaniyang bestfriend na sina Kate at Patricia ay nakita nila si Justine.

"Oh hi, Justine! Kamusta ka na?" masiglang bati ni Athena kay Justine.

"Ayos lang naman! Eh ikaw kamusta ka na?" masiglang sagot ni Justine.

"Uhm, ayos lang naman din." tugon ni Athena.

"Uy, Athena. Siya nga pala, maraming salamat sa pagsasauli ng bracelet ko ah. Importante kasi sa akin 'yun." tugon ni Justine.

"Ayos lang 'yun, walang anuman." tugon ni Athena.

"O siya sige, pupunta na muna kami sa klase namin, baka kasi mahuli kami eh, see you around!" pagpapaalam ni Athena.

"Sige, kami rin pupunta na rin kami sa classroom namin. Mamaya nalang." tugon ni Justine.

"Okay! Bye!" pagpapaalam ni Athena.

Pagkatapos noon ay tumungo na si Justine sa susunod niyang klase.

"Uy, bes! Kinilig naman ako don." tugon ni Athena.

"Hay nako, bes. Tama na nga 'yan. Mag-aral na muna tayo." tugon ni Kate.

"Oo nga." sagot ni Patricia.

Pumunta na sina Athena, Kate, at Patricia sa kanilang classroom.

Pagkatapos ng kanilang klase ay pumunta na sina Althea at Jenny sa locker room.

"Oh, Amanda kamusta kana? Matagal tagal din tayong hindi nagkita ah." -Jenny

"Ano? Gusto mo ba ng away ha?" pagalit na sinabi ni Amanda.

"Hoy, Amanda. Pwede ba tigilan mo 'tong kaibigan ko? Wala naman siyang ginagawa sayo ah. Kinakamusta ka lang naman niya." depensa ni Althea.

"Bahala nga kayo dyan, magsama nga kayo ng bestfriend mo!" naiinis na sinabi ni Amanda at biglang nagwalkout.

"Pikon siya no?" pang-asar na tanong ni Jenny.

"Oo nga eh. Hayaan mo na siya, huwag nalang natin pansinin." sagot ni Althea.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon