Chapter 66: Pagtatangka

15 2 2
                                    

"Amanda!!!" sigaw ni Rod.

"Anak! Halika dito!" sigaw pa ni Rod.

"Daddy, ano pong nangyari?" tanong ni Althea.

"Anak, si Amanda, patay na siya." sambit ni Rod.

"A-ano?!" gulat na sambit ni Althea.

"Oo, anak. Patay na siya. Kung sino man ang gumawa nito, magbabayad siya." tugon ni Rod.

"Daddy, panigurado ako, si Raymond ang pumatay sa kaniya." sambit ni Althea.

"Paano mo naman sabi, anak?" tanong ni Rod.

"Dahil daddy, kaya niyang patayin si Wendy. Gagawin niya ang lahat para lang makuha sa atin si Athena. At saka, siya lang naman ang nagtatangka sa buhay natin eh." paliwanag ni Althea.

"Anak, kailangan nating ipahanap si Raymond sa mga pulis. Kung hindi, lalo lang niya tayong guguluhin." sambit ni Rod.

"Pero daddy, hindi po madali 'yon. Magaling na kriminal si Raymond. Alam kong hindi siya basta-basta magpapahuli sa mga pulis." tugon ni Althea.

Lingid sa kanilang kaalaman na nakikinig pala sa kanila si Raymond. Mabuti na lang at nakahanap siya ng magandang pagtataguan para hindi siya makita. Balak niyang patayin sina Rod at Althea dahil sila ang magiging hadlang sa pagkuha niya sa anak niyang si Athena.

"Matalino kang bata ka, nag-iisip ka pala." mahinang bulong ni Raymond sa sarili.

"Anak, kailangan na nating tumakas dito agad-agad. Kailangan na nating bumalik sa Batangas. Kung hindi, lalo lang tayong guguluhin ng Raymond na 'yan." sambit ni Rod.

"Pero daddy, paano po ang pag-aaral ko?" tanong ni Althea.

"Huwag kang mag-alala, anak. Bukas na bukas din, pupunta ako sa eskwelahan mo. Magpapaalam tayo sa guro mo. Sasabihin natin na may nagtatangka sa buhay natin. Hindi natin pwedeng hayaang mapatay tayo ni Raymond." paliwanag ni Rod.

"S-sige po." sambit ni Althea.

"Aha, tatakas pala kayo ha, tignan lang natin kung magagawa niyo pang tumakas!" bulong ni Raymond sa sarili.

Kinabukasan, pumunta si Rod sa paaralan ni Athena. Nagpaalam siya sa guro ni Athena at sinabing kailangan na agad nilang umalis dahil may nagtatangka sa buhay nila. Pumayag naman ang mga ito at sinabihan nalang silang mag-ingat. Naroon din si Althea upang magpaalam sa kaniyang mga kaibigan. Ngayon, kasalukuyang nakaburol si Amanda. Bago umalis sina Rod, Althea, Athena, at Nanay Mercy papunta sa Batangas. Dumalaw muna sila sa burol ni Amanda. Naroon din si Jenny at si Harry.

"Amanda, bakit ang bilis mo kaming iniwan? Noong nakaraang linggo, si Wendy. Ngayon, ikaw naman. Huy, Amanda, gumising ka na." sambit ni Althea.

"Amanda, alam kong marami tayong pag-aaway noon. Pero pinapatawad ka na namin. Sana alam mo na 'yun." sambit ni Jenny.

"Huwag kang mag-alala, ate. Sisiguarduhin namin na pagbabayaran ni Raymond ang lahat ng kasamaang ginawa niya. Kahit na palagi mo akong inaaway, mahal na mahal pa rin kita, ate." sambit ni Harry.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon