"Huh? Magkapatid kayo? Pero bakit ganon? Ikaw Amanda masama ugali, pero 'yung kapatid mo mabait?" sambit ni Jenny.
"Pwede ba Jenny, manahimik ka na nga!" sambit ni Amanda.
"Alam mo Jenny, lahat ng masamang ginawa mo sa amin, babalik din sayo!" sigaw ni Jenny.
Pagkatapos noon ay umalis na sina Jenny at Althea. Puro pintura pa rin ang katawan ni Althea kaya naman ay dali-dali silang umuwi. Kumatok si Jenny sa pinto nila Althea.
"Oh, Jenny, kamusta kayo?" bati ni Rod kay Jenny.
Nakita ni Rod si Althea na puro pintura ang damit.
"Althea, bakit ganyan ang itsura mo? Sinong gumawa sayo niyan?" sambit ni Rod.
"Tay, si Athena po. Inaway niya po ako." tugon ni Althea.
"Ha? Bakit ka inaway ni Athena?" naguguluhang tanong ni Rod.
"Kasi tay, lumalapit daw po ako sa boyfriend niya. Ayaw niya po ng ganun." paliwanag ni Althea.
"Ano?! May boyfriend si Athena?" gulat na tanong ni Rod.
"Opo. Ganun na nga po." tugon ni Jenny.
"Hayaan mo, anak. Kakausapin ko bukas ang kapatid mo. Maligo ka na muna at puro ka pintura oh." sambit ni Rod.
"Sige po, tay." sambit ni Althea.
Harry's POV
"Ate, ano ka ba naman?! Bakit mo ba inaaway si Jenny?" tanong ni Harry.
"Eh kasi, nakakabwisit siya. Tsaka pwede ba, huwag ka na ngang makisali sa away namin! Kaya pwede ba ha, manahimik ka na muna." medyo naiinis na sambit ni Amanda.
"Ate, pwede ba ha. Itigil mo muna 'yang pagiging warfreak mo." sambit ni Harry.
"Pwede ba! Manahimik ka nga! Baka sayo ko ba ibunton 'yung galit ko kay Jenny eh! Shut up!" galit na tugon ni Amanda.
Wala nalang nagawa si Harry kundi tumahimik. Talagang napakawarfreak ng ate niya na si Amanda. Kahit sinong makasalubong nito ay halos awayin na niya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang ugali ng kapatid niya. Kahit siya rin minsan ay inaaway nito. Kaya naman ay gustong magkaroon ni Harry ng kakampi upang putulin ang sungay ng kapatid niya.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
LosoweThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...