Pagkatapos ng kanilang klase ay nilibre ni Athena si Justine sa cafeteria.
"Athena, sigurado ka bang ililibre mo ako? Nakakahiya." mahinang tanong ni Justine.
"Oo naman, huwag ka nang mahiya. Please." tugon ni Athena.
"Sige." -Justine
Pagkatapos nilang umorder ng pagkain ay umupo sila at nagkuwentuhan.
Mabilis na lumipas ang panahon. Palaging nililibre ni Athena si Justine. Kaya naman ngayon, si Justine naman ang manlilibre kay Athena.
"Talaga? Ako naman ang ililibre mo?" tanong ni Athena.
"Oo naman. Nakakahiya naman kasi kung ikaw nalang palaging nanlilibre sakin, eh. Para naman makabawi ako sayo ngayon." tugon ni Justine.
"Okay. Sure!" tugon ni Athena.
Makalipas ang anim na buwan ay naging magkasintahan na ang dalawa. Ipinakilala ni Athena si Justine sa mga magulang niya.
"Mommy, si Justine po, boyfriend ko." pagpapakilala ni Athena.
"Hello po, tita." bati ni Justine kay Letty.
"Welcome Justine dito sa bahay namin. Pasensya ka na at medyo magulo ha." bati naman ni Letty kay Justine.
"Ayos lang po." tugon ni Justine.
"Ay Justine, sandali lang ha, may gagawin lang ako. Umupo ka muna dyan." pagpapaalam ni Athena.
"Sige." tugon ni Justine.
Pagkatapos noon ay pumunta si Athena sa kusina. Naroon din ang nanay niya.
"Anak, may boyfriend ka na pala ha." sambit ni Letty.
"Mommy, sana ayos lang po sa inyo." tugon ni Athena.
"Ayos lang naman anak. Pero ang gusto ko kahit may boyfriend ka, tapusin mo ang pag-aaral mo ha." sambit ni Letty.
"Opo, mommy." tugon ni Athena.
"O siya, ipagluluto ko muna kayo ng meryenda." sambit ni Letty.
"Sige po." tugon ni Athena.
Pagkatapos ay pinuntahan ni Athena si Justine sa kanilang salas.
"Babe, inom ka muna ng tubig." tugon ni Athena.
"Salamat, babe." tugon ni Justine.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
De TodoThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...