Chapter 42: Accident

16 2 0
                                    

"Mga hayop kayo, akala ko ba totoo ko kayong pamilya? Eh bakit hinayaan niyo ako na makuha ng demonyita kong mommy?" bulong ni Athena sa kaniyang sarili.

"Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni Letty kay Athena.

"Opo." mahinang tugon ni Athena.

"Anak, pasensya na dahil kailangan kitang bawiin sa kanila. Magagalit ang daddy mo."

"Mommy, bakit po ba kailangan ninyo akong pilitin na sumama sa inyo?" tanong ni Athena.

"Bakit anak? Ako naman ang mommy mo ah? Kapag sa kanila ka sumama, wala kang mommy doon." tugon ni Letty.

"Pero mommy, mas gusto ko pong sumama sa totoo kong pamilya." tugon ni Athena.

Nang marinig ni Letty ang sinabi ni Athena ay bigla itong sumabog sa galit.

"SIGE! KUNG 'YAN ANG GUSTO MO, SIGE! SUMAMA KA SA KANILA!" galit na galit si Letty.

"Mommy, mababangga po tayo!" sigaw ni Athena.

Pagkatapos noon ay bumangga sila sa poste at nawalan sila ng malay.

Makalipas ang isang oras, nagising si Athena na masakit ang kanyang ulo. Nasa tabi niya sina Rod at Althea.

"Nasaan po ako?" tanong ni Athena.

"Anak, nasa ospital ka. Naaksidente kayo." tugon ni Rod.

"Tay, ano pong nangyari?" tanong ni Athena.

"Nakita namin sa balita na may nabanggang sasakyan sa poste. Nung makita namin na sasakyan niyo 'yon ay pinuntahan kaagad namin kayo at sinugod dito sa ospital." tugon ni Rod.

"Si mommy po, nasaan?" tanong ni Athena.

"Nasa kabilang kwarto. Nagpapahinga siya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay." tugon ni Rod.

"Salamat po, tay, dahil niligtas niyo po kami." tugon ni Athena.

"Wala 'yun, anak. Magpahinga ka na muna. Baka hindi ka pa okay." tugon ni Rod.

"Sige po." mahinang tugon ni Athena.

Maya-maya ay nagising na rin si Letty. Sakto namang naroon si Althea sa tabi niya.

"Nasaan ako?" tanong ni Letty.

"Uhm, tita, nasa ospital po kayo. Naaksidente po kayo ni Athena." tugon ni Althea.

"Althea, salamat ha, kahit na, naging masama kami sa pamilya mo, tinutulungan mo pa rin kami." tugon ni Letty.

"Wala pong anuman, tita." tugon ni Althea.

Makalipas ang ilang araw, nakalabas na rin sina Athena at Letty sa ospital. Pumayag na rin si Letty na makasama ni Athena ang totoo niyang pamilya.

"Mommy, salamat po dahil pumayag po kayo na makasama ko po ang totoong pamilya ko." sambit ni Athena.

"Walang anuman, anak." tugon ni Letty.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon