"Totoo ba 'yon?!" dagdag pa ni Kate.
"Oo, bes. Nagulat nga ako eh. May narinig akong malakas na putok ng baril. Binaril ni Daddy si ate Eliza. Pero dinala na siya sa ospital." paliwanag ni Athena.
"Bakit naman niya gagawin 'yon?" tanong ni Kate.
"Dahil kay tito Rod. Sinabi niya na siya raw ang totoo kong magulang. Noong una, parang hindi ako naniniwala sa kanya, pero parang ngayon, gusto ko nang maniwala na siya talaga ang totoo kong tatay." paliwanag ni Athena.
"So, ibig sabihin, adopted ka? At ngayon hinahanap ka na ng totoo mong magulang?" tanong ni Kate.
"Ganun na nga. I can't decide if sasama ako sa kanila o hindi eh." sagot ni Athena.
"Well, it's up to you." sagot ni Kate.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Kate. Bumaba si Athena. Nakita niya ang daddy niya na parang natauhan at nakokonsensiya.
"Daddy? Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo siya binaril?" tanong ni Athena.
"Dahil anak, gagawin ko ang lahat para hindi ka nila mabawi sa amin ng mommy mo." sagot ni Raymond.
"Pero, daddy, dapat hindi ka pumatay ng tao! Maling-mali iyon! May iba pang paraan para mailayo sila sa akin! Pero ang pumatay ng tao, hindi tama 'yon!" paliwanag ni Athena.
"Sorry, anak." tugon ni Raymond.
"Nang dahil dyan, pinatunayan ninyo na mamamatay tao kayo!" sigaw ni Athena.
"Anak, saan ka pupunta?" tanong ni Letty.
"Kung saan, matatahimik ang buhay ko. Pupunta muna ako kila Kate." sagot ni Athena.
Umakyat siya sa kwarto niya at tinawagan si Kate.
"Kate, pwede ba akong pumunta dyan? Please, talagang gulong-gulo na ako. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin." tanong ni Athena.
"Sige, papayag naman siguro sina mommy at daddy eh." sagot ni Kate.
"Okay, sige papunta na ako dyan." sagot ni Athena.
"Okay." -Kate
Inilagay ni Athena ang kanyang mga damit sa kanyang backpack. Gusto niya munang pumunta sa bahay ni Kate para makalanghap man lang siya ng sariwang hangin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakapatay ng tao ang tatay niya.
"Aalis po muna ako, hindi ko na po kaya dito sa bahay. Nakaparami na pong problema. Idagdag niyo pa 'yung pagbaril ninyo kay ate Eliza. Kailangan ko po muna ng sariwang hangin." pagpapaalam ni Kate.
"Anak, please, huwag ka nang umalis." tugon ni Letty.
"Mommy, saglit lang po ako doon, babalik din po ako." -Athena
Hindi na napigilan ni Letty at Raymond si Athena, at pumunta na ito sa bahay ng kaniyang kaibigan.
"Sige po, aalis na po ako." tugon ni Athena.
"Mag-iingat ka, anak." tugon ni Letty.
Rod's POV
Pagkagaling ni Rod sa trabaho ay nagpunta siya sa ospital upang kamustahin si Eliza.
"Inang, kamusta na si Eliza?" tanong ni Rod.
"Ayun, hindi pa rin gumigising. Mukhang malala ang sinapit niya dahil sa pagbaril sa kaniya ni Raymond." tugon ni Nanay Mercy.
"Hayop talaga 'yang Raymond na 'yan. Ipakukulong ko siya!" galit na tinig ni Rod.
Pagkatapos noon ay nagpaalam siya kay Nanay Mercy dahil pupunta siya sa police station. Ipakukulong niya si Raymond.
Raymond's POV
"Bakit mo ba hinayaang umalis ang anak natin?" tanong ni Raymond.
"Hayaan muna natin siya. Magpapalamig lang muna 'yun." tugon ni Letty.
"Siguraduhin mong pupunta 'yun sa bahay ng kaibigan niya. Baka makipagkita 'yun kina Rod." tugon ni Raymond.
"Sige. Tatawagan ko si Kate kung talaga bang sa bahay nila pumunta si Athena." tugon ni Letty.
Makalipas ang ilang minuto ay narating na ni Athena ang bahay nila Kate.
"Oh, bes, tumawag ang mommy mo kanina, tinatanong kung dito ka daw ba talaga pupunta." tugon ni Kate.
"Bakit, saan pa ba ako may pwedeng puntahan?" tanong ni Athena.
"Aba, malay ko." tugon ni Kate.
"Bes, halika na. Pumasok na tayo sa loob. Nagluto si mommy ng meryenda." dagdag pa ni Kate.
"Salamat." tugon ni Athena.
Mercy's POV
"Iha, gumising ka na. Kailangan ka namin." sambit ni Nanay Mercy habang binabantayan niya si Eliza. Naroon din sina Althea at Jenny.
"Ate Eliza, gumising ka na po, please." sambit ni Althea.
Maya-maya lang ay nanlaki ang mata ni Nanay Mercy nang makitang nag-flatline si Eliza!
"ELIZAAAAAA!" malakas na sigaw ni Nanay Mercy.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...