Chapter 39: Pagbawi

15 2 0
                                    

"Halika na, anak. Uuwi na tayo." sagot ni Letty.

"Mommy! No! Wait!" sigaw ni Athena.

"Diba ang sinabi ko sayo, huwag kang makikipagkita kay Rod? Anong ginawa mo? Sinuway mo ako." galit na tugon ni Letty.

Kaagad narinig nina Athena at Rod ang nangyayari sa labas at pinuntahan nila kaagad si Athena.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Rod.

"Letty? Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ni Rod.

"Binabawi ko lang ang anak ko! Wala kayong karapatang kunin siya sa akin!" galit na tinig ni Letty.

"Anong walang karapatan? Hoy, baka nakakalimutan mo, ako ang totoo niyang magulang! Kaya ikaw ang walang karapatang kunin ang anak ko!" galit na tinig ni Rod.

"Pwede ho ba aling Letty, tigilan niyo na kami ng kapatid ko!" sigaw ni Athena.

"Hoy Althea ha, huwag kang makikisali sa gulo dito!" galit na tugon ni Letty.

Biglang hinila ni Letty si Athena. Napasigaw ito sa sakit dahil sa lakas ng pagkahila sa kaniya ni Letty.

"Ouch! Mommy! Stop!" pagpigil ni Athena kay Letty.

"Halika na, anak. Uuwi na tayo." tugon ni Letty.

"No! Hindi ako sasama sayo mommy!" pasigaw na sambit ni Athena.

"Ah, ayaw mo talaga ha." galit na sambit ni Letty.

Biglang pinigilan ni Rod si Letty at pinapasok ang magkapatid sa loob ng bahay.

"Althea, Athena, pumasok kayo sa loob!" sigaw ni Rod.

Pagkatapos noon ay pumasok na ang kambal sa loob. Nagsisisigaw si Letty.

"Athena!!! Lumabas ka dito!" sigaw ni Letty.

"Pwede ba Letty, tigilan mo na kami!" sigaw ni Rod.

"Sige, pigilan nyo ako. Pero huwag kayong mag-alala, dahil babalikan ko kayo at kukunin ko ang anak ko!" galit na tinig ni Letty.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon