Chapter 41: Run, Athena, Run!

11 2 0
                                    

"Ano? Nababaliw ka na ba? Kapag pinatay ko si Rod, makukulong ako! Edi mas lalo nating hindi makukuha ang kambal!" tugon ni Letty.

"Basta, gawin mo nalang." tugon ni Raymond.

Athena's POV

"Tay, talaga po bang itutuloy natin ang pagtakas?" tanong ni Athena.

"Oo anak, itutuloy natin. Lalo lang tayong guguluhin ng mommy mo." tugon ni Rod.

"S-sige po." tugon ni Athena.

Inihanda na nina Althea at Athena ang kanilang gamit. Kasama nila si Nanay Mercy at si Rod sa kanilang pag-alis papuntang Batangas.

Kinagabihan, pumunta si Letty sa bahay nina Rod, papaalis pa lang sila dahil nakita niyang bukas ang ilaw sa loob ng bahay nila.

Nagtago si Letty sa may likod ng puno upang hindi siya makita nina Rod. Naroon din si Jenny para makapagpaalam kay Althea bago sila umalis.

"Bes, sure na sure na ba talaga ang pag-alis niyo?" tanong ni Jenny.

"Oo eh, lalo lang kaming guguluhin ni tita Letty. Sana lang makaalis na kami dito para hindi niya na makuha si Athena sa amin." sagot ni Althea.

"Mag-iingat ka Althea ha." -Jenny

"Oo naman, bes. Ikaw din, mag-ingat ka rin." tugon ni Althea.

Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Althea kay Jenny.

"Bye, Althea!" sigaw ni Jenny.

Nagsimula ng maglakad sina Althea, Athena, Rod, at Nanay Mercy papunta sa kanilang sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ni Rod ng makitang sira na ang kaniyang sasakyan! Sabog ang mga gulong nito, at basag rin ang mga salamin!

"Akala ninyo matatakasan niyo ako, ha?" sigaw ni Letty. May dala siyang baril.

"Letty, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rod.

"Well, nandito ako para kuhanin si Athena. Halika na anak, uuwi na tayo." tugon ni Letty.

"No, mommy! Hindi ako sasama sayo! Aalis na kami dito!" sigaw ni Athena.

"Ah, aalis kayo? At hindi man lang kayo magpapaalam sa akin?" galit na sigaw ni Letty.

"Pwede ba, Letty. Tigilan mo na ang pamilya namin. Tigilan mo na kami." mahinang sagot ni Rod.

"Anong akala niyo sa akin, tanga?! Hindi ko kayo hahayaang umalis kasama ng anak ko! Hindi kayo makakaalis!" galit na sigaw ni Letty.

"Athena, tumakbo ka na, dali!" sambit ni Rod.

"Sige, Athena! Subukan mong tumakbo, kundi isa sa inyo ang paglalamayan dito!" pananakot ni Letty kay Athena.

"Mommy, please, tigilan niyo na po ito. Hayaan niyo nalang po kaming umalis." sagot ni Athena.

"No! Hindi kayo aalis!" galit na sigaw ni Letty.

"Mommy, please." mahinang sagot ni Athena.

"Please, ayokong humantong tayo sa ganito! Ayokong dumating sa punto na makakapatay ako ng tao! Ibigay niyo na sa akin ang anak ko!" galit na sigaw ni Letty.

"Letty, huwag!" sigaw ni Rod.

"Akin na ang anak ko!" sigaw ni Letty.

"Anak, sumama ka muna sa kaniya, pangako ko sayo babawiin kita!" sambit ni Rod kay Athena.

"Tay, please huwag po, tay." mahinang tugon ni Athena.

"Halika na, anak. Uuwi na tayo!" sambit ni Letty.

"No, mommy, no!" sigaw ni Athena.

Walang nagawa si Athena kundi ang sumama sa mommy niya. Lalo lang silang guguluhin nito kapag hindi siya sumama dito.

-To be continued-

My Missing TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon