Nakita ni Raymond ang susi sa may mesa. Hindi siya sigurado kung ito ba talaga ang susi upang mabuksan ang kanilang kulungan. Ang mesa ay nasa tabi lang ng kanilang kulungan kaya abot na abot niya ito.
Sinubukan niyang kuhanin ang susi pero nahulog ito!
Sinubukan niyang abutin ang susi sa sahig at sa wakas, matagumpay niyang nakuha ito!
Maraming susi ang nasa mesa kaya naman ay kinuha niya ito lahat. Kailangan ay hindi sila lumikha ng ingay dahil baka magtaka ang mga pulis kung ano ang nangyayari.
Maraming susi ang sinubukan ni Raymond na pangbukas. Marami sa mga ito ay hindi gumagana.
"Ano ba 'yan. Bakit ayaw mo gumana? Nasubukan ko na lahat pero mukhang ayaw pa rin." sambit ni Raymond.
"Sigurado kang nasubukan mo na lahat?" tanong ng isang preso.
"Oo." tugon ni Raymond.
Tinitigan ulit ni Raymond ang mga susi. Nagulat siya nang may nakita pa siyang isang susi! Hindi niya pa ito nasusubukan!
Pinilit niyang abutin ang nahulog na susi sa sahig. Mabuti nalang at walang pulis na nakakita sa kanila.
Sinubukan ni Raymond na gamitin ang susi sa padlock na iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang...
Bumukas ang padlock!
Makakatakas na sila!
Binuksan ni Raymond ang pintuan ng selda at nagtakbuhan sila papalabas! Binuksan din niya ang mga ibang kulungan upang magkaroon sila ng pagkakataong tumakas! Nagkakagulo na sa loob ng kulungan na iyon!
"Sa wakas, makakamit na natin ang kalayaan." bulong ni Raymond.
"Obet, Berto, may ipapatrabaho ako sa inyo." sambit ni Raymond.
"Ano 'yon?" tanong ni Obet.
"May ipapapatay ako." sambit ni Raymond.
"Naku, boss. Mukhang ayos 'yan ah. Sige po." sambit ni Berto.
Nakahanap na sila ng kanilang matataguang pwesto. Doon nila isinagawa ang kanilang plano.
"Nakikita mo 'tong lalaking 'to?" sambit ni Raymond habang hawak-hawak ang litrato ni Rod.
"Siya ang papatayin natin." dagdag pa ni Raymond.
"Naku, boss. Mukhang ayos 'yan ah." sambit ni Berto.
"Bukas na bukas, gagawin na natin ang plano natin. Pupuntahan natin siya sa eskwelahan ng anak ko." sambit ni Raymond.
"Sige po boss." tugon ni Berto.
Kinabukasan, pinuntahan nina Raymond, Obet, at Berto si Athena sa kanilang paaralan. Kasama ni Althea si Rod. Naroon din sina Amanda, Wendy, at Jenny.
Naglalakad sina Rod nang may bumabang tatlong armadong lalaki at hinarang sila.
"Anong kailangan ninyo?" tanong ni Rod.
"Si Athena." tugon ng armadong lalaki.
Tinitigan ni Althea ng maigi ang mukha ng lalaki. Parang pamilyar ito.
Hanggang sa napagtanto niya na si Raymond ito. Nakatas siya sa kulungan?
"Bakit niyo po kilala ang anak ko?" tanong ni Rod.
"Daddy, siya si tito Raymond. Nakatakas siya sa kulungan." sambit ni Althea.
Hindi makapagsalita sina Amanda, Wendy, at Jenny. Kahit pati sila ay natatakot rin. Hindi sila makapaniwala na nagawang makatakas ni Raymond sa kulungan.
"Sige na, Rod. Ibigay mo na sa akin si Athena. Siya lang naman ang gusto kong kunin e, pagkatapos noon, hindi ko na kayo guguluhin." pananakot ni Raymond.
"Hindi ko ibibigay sayo ang anak ko!" sigaw ni Rod.
"Alam mo, siguro, dapat ka nang mamatay. Dahil habang nandito ka, ikaw ang magiging hadlang ko sa pagkuha sa anak ko." sambit ni Raymond.
"Ano? Papatayin mo ako?" sigaw ni Rod.
"Oo. Dahil habang nandito ka, hindi ko makukuha ang anak ko." sambit ni Raymond.
Itinutok ni Raymond ang baril kay Rod.
Nanlaki ang mga mata nilang lahat!
Nagulat silang lahat nang biglang humarang si Wendy!
-To be continued-
BINABASA MO ANG
My Missing Twin
RandomThis story "My Missing Twin" revolves around the characters of Althea and Athena, they were identical twins and they were separated after their mother died in a tragic accident. When they grow up, they will see each other and they will be shocked be...